Pumunta si Khielve at Kyrene sa hacienda ng mga Brizalde, para kausapin ang lola niya. Ngayon nasa labas sila ng opisina ng lola niya. Kumatok si Kyrene.
"Tuloy" Narinig niyang sabi ng lola niya mula sa loob. Dahan-dahan niya itong pinihit at binuksan. Pumasok sila ni Khielve, agad na tumayo ang donya pagkakita sakanya.
"Kyrene apo." Lumapit ang lola niya sakanya at agad siyang niyakap.
"Thanks god you're here." Hindi gumanti ng yakap si Kyrene, sobrang sama ng loob niya dito dahil sa ginawa nito sa magulang niya.
"Lola bakit mo ginawa yun?" Tanong niya dito, kumalas naman ito ng yakap at tumingin sakanya.
"I'm sorry apo, nagawa ko lang yun para bumalik ka."
"Para bumalik ako. Lola naman, sana po hindi mo dinadamay ang mga magulang ko."
"Kyrene, nakipag-tanan ka. Iniwan mo ang pag-aaral mo dahil lang sa isang lalaki, ipag-papalit mo ang buong pamilya mo para lang d'yan kay Khielve." Pahayag nito na medyo galit na rin.
"Ngayon bumalik ka, dahil naman sa mga taong nag-layo sayo samin sa mahabang panahon. Hindi mo ba talaga kami kayang tanggapin bilang pamilya mo? kami ang totoong mong pamilya." Biglang lumuhod si Kyrene sa harap ng lola niya.
"Kyrene" Mahinang tawag ni Khielve.
"Lola parang awa mo na. Tama na po, wag niyo naman pong idamay sila tatay dito." Umiyak na siya ng tuluyan, napapikit ang donya sa ginawa niya. Agad naman siyang tinayo ni Khielve.
"Makakalabas ang tatay mo kung sasama ka sakin pabalik sa Manila." Si Khielve naman ang kinabahan bigla sa sinabi ng donya at sa hindi agad pag sagot ni Kyrene.
"Kyrene anak!" Sabay-sabay silang napalingon sa may pinto. Ang daddy, mommy at Donya Clara ang nand'on na kakapasok palang. Agad na lumapit ang mommy niya at niyakap siya.
"Diyos ko! Ang tagal kitang hinanap.. please Kyrene come back home." Umiiyak na sabi nito.
"Sorry mommy! Sorry po." Naiyak na lalo si Kyrene. Si Khielve naman yumakap din sa lola niya.
"Mommy si Tatay po eh. Iurong niyo na po ang demanda sakanya." Kumalas ng yakap ang mommy niya at hinawakan ang mag kabila niyang pisngi.
"Oo anak, makakalabas na ang tatay mo ngayon mismo. I'm sorry, hindi ko alam ang ginawa ni mama, pero don't worry, walang isasampang kaso kahit na isa sa kanila." Pinahid nito ang mga luha niya.
"Mama, bakit niyo ginawa yun?" Tanong ni Vincent na medyo dismayado ang boses nito.
"Ginawa ko lang yun para bumalik ang anak mo."
"Mama please lang, kami na ang bahala sa mga anak namin." Sabi ni Vincent.
"Tara na Kyrene." inakay na siya palabas ng kwarto, lumabas ang lahat maliban kay donya Clara.
"Let's talk Solidad." Hindi na nito inantay na alokin siyang umupo. Umupo ito sa harap ng desk at bumalik naman si Donya Solidad sa upuan nito.
"Solidad tumigil ka na nga sa pinag-gagagawa mo sa mga apo natin." Simula ni Donya Clara.
"Clara pino-protektahan ko lang ang pamilya ko." Sagot naman ni Donya Solidad.
"Sa tingin mo, napo-protektahan mo ba? Nasasaktan ang apo mo sa ginagawa mo, pati ang apo ko."
"Yang apo mo kasi ang may kasalanan ng lahat, ang tigas ng ulo. Tinakas niya si Kyrene. " sagot ni Donya Solidad.
"Dahil gusto mo silang pag layuin."