CHAPTER 9

218K 4.5K 181
                                    


"Ate Martha si Kyrene po asan?" Tanong ni khielve habang pababa siya ng hagdan.

"Nasa labas po seniorito kausap si Bella. Sa may gazebo po. Tawagin ko nalang po." Sabi ni Martha habang nag mamop ng sahig.

"Don't bother. Ako na po." Sabi nito at agad lumabas.

Naglakad siya papunta sa may gazebo. Nakita niya ang dalawa nakatalikod. Lumapit siya dito pero bigla siyang natigilan ng marinig ang usapan ng dalawa.

Hindi niya hilig makinig sa usapan ng iba pero natukso siyang pakinggan ang usapan ng dalawa. Medyo nagtago siya sa may halaman kung asan malapit ang gazebo.

"Ano friend. Kumusta naman ang dream boy mo?" Tanong ni Bella.

"Perfect friend! Siya na ata ang pinaka perfect na taong nakita ko." Sabi ni Kyrene.

Sino kaya pinaguusapan nila? - isip ni Khielve.

"Ang bait niya. Kinausap niya ako kagabi. Nag good night siya sakin." Lalong pinagbuti ni Khielve ang pakikinig.

"Friend... I'm happy for you! Dalaga ka na? Nagkakagusto kana? Akala ko hindi ka babae eh."Sabi ni Bella na niyakap pa si Kyrene.

"O.A mo naman. Akala mo naman boyfriend ko na kung maka I'm happy for you ka. Hindi naman ako magugustuhan nun. Tignan mo naman itsura ko. Nakita mo ngang laging sinasabi ni seniorito na baduy ako." Sabi ni Kyrene at narinig pa niyang bumuntong hininga ito.

"Kyrene iba naman si Kenneth.  Nakita mo yung titig niya sayo. Mukhang tinamaan sayo friend. Maniwala ka. Girl instinct! Pero........" Bella states but paused for a moment and glared at her. From head to toe. Kumunot ang noo ni Kyrene sa ginagawa nito.

"Tama si Khielve.  Baduy ka nga." Sabi nito.

Si Kenneth ang pinaguusapan nila? May gusto si Kyrene kay Kenneth?

"Salamat ang honest mo! parehas kayo ni Seniorito."

"Maganda ka naman kasi eh kung sa maganda. Kaso lang ang baduy lang talaga. Palaging maluwag na tshirt, tapos paldang mahaba o kaya jogging pants. Makinis naman ang legs mo diba?" Sabi ni Bella. Lumabas na si Khielve at lumapit sa dalawa.

"Kyrene!" Napalingon ang dalawa sa pag tawag ni Khielve.

"Ayusin mo gamit ko sa kwarto." Yun lang at tumalikod na siya.

"Sige na Belya. May sapi na naman ang alaga ko. Nakabusangot na naman." Sabi ni Kyrene.

"Ayan ka naman sa Belya eh." Pinalo siya sa balikat nito.

"Ahaha! Sige na bukas nalang tayo magkita off ko bukas. Walang istorbo." Sabi niya at tumayo na.

"Sige na layas na." Sabi niya uli at umalis na siya. Umalis na rin si Bella. Pero bago pa makalayo.

"Friend update mo ako ah." Sigaw ni Bella.

"Saan?" Pasigaw na tanong niya.
"Sa dream boy mo." Hindi na siya sumagot.  Ngumiti nalang siya dito. At naglakad na papasok ng bahay.

*

Pagtawag ni Khielve kay Kyrene agad itong umalis. Pumasok sa bahay at agad na umakyat.

"Oh khielve. Tara na swimming na tayo." Nakasalubong niya si Zion, Kenneth and Simon sa hagdan.

"Sige una na kayo. Magbibihis lang ako." Sabi niya na diretsong umakyat.

"Problema nun?" Sabi ni Zion. Dahil naka busangot ito ng makasalubong nila.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon