CHAPTER 76

149K 3.1K 482
                                    

Nag-pm sa 'kin, si Historical_Mystery kwento niya na adik na adik ang classmate niya sa the real heiress, at gumawa lang ito ng account dahil sa the real heiress, at the real heiress lang daw ang nasa library nito. Waaahhh! Share ko lang na-touch lang ako ng sobra... kung sino ka man salamat ng marami....

-______________________________________

Nag-lalakad si Kenneth sa corridor ng condo kung saan si Kyrene tumutuloy, nang-marating niya ang pinto ng unit, may lumabas naman na isang British na babae sa kabilang unit.

"Good evening Kenneth" Bati ng isang matabang babae.

"Good evening madam." Balik niyang bati, pipindutin na sana niya ang password ng unit ni Kyrene ng muling mag-salita ang babae.

"Is Kyrene alright?" Natigil si Kenneth at muling tumingin sa babae.

"Why madam?"

"I saw her earlier. She was crying and she looked so depress." Tumango na lang si Kenneth at in-enter ang password ng unit. Binuksan niya agad ang pinto at nilapag lang ang dalang paper bag sa center table at tumuloy na sa kwarto.

"Kyrene" Tawag niya, naririnig niya ang lagaslas ng tubig mula sa bathroom nito. lumapit siya sa pinto at kinatok.

"Kyrene" tawag niya pero hindi ito sumasagot.

"Bubuksan ko ang pinto Kyrene ah." Pinihit niya ang siradura ng pinto at dahan-dahan niya itong binuksan.

"Kyrene!" Agad na pumasok si Kenneth at nilapitan ang tulalang si Kyrene, basang-basa ito, nakasalampak sa tiled floor habang bumabagsak ang tubig dito mula sa shower.

Pinatay niya ang shower at agad na kinuha ang towel na nakasabit, binalabal niya ito kay Kyrene. Binuhat niya ito at nilabas ng bathroom, pinaupo niya ito sa gilid ng kama.

"Kyrene ano ba? Anong ginagawa mo?" Pinunasan niya ang basang-basang ulo nito.

Halos nanginginig ito sa lamig, nakaramdam ng takot si Kenneth dahil baka bumalik na naman ang depression nito, minsan na itong na-ospital dito sa London dahil sa depression, pero nitong mga nakaraang linggo naging okay na 'to.

"Bibihisan kita ah." Bahagya niyang tinaas nag t-shirt nito, tinapis niya ang towel sa katawan ni Kyrene sa ilalim ng t-shirt tsaka niya tuluyang inalis ang basang-basang t-shirt.

Kumuha siya ng t-shirt na pamalit nito at agad niyang sinuot dito, at muling inalis ang towel, inalis din niya ang bra nito.

"Kyrene ano ba?" Hinawakan niya ang mukha ni Kyrene, wala pa rin ito sa sarili.

"KYRENE ANO BA? GALIT NA AKO!?" Halos yugyugin niya ang magkabilang pisngi nito, doon parang nahimasmasan si Kyrene, na bigla nalang tumulo ang mga luha.

"Anong nangyari? Akala ko ba okay na. Akala ko kakalimutan mo na ang lahat."

"Ikakasal na sila Kenneth! ikakasal na sila." bigla-bigla nalang nag break down na naman siya.

"Akala ko okay na eh..... Ang sakit parin eh. Ang sakit-sakit parin. Mahal na mahal ko parin siya, mahal na mahal ko parin si Khielve." Halos walang humpay na naman siyang umiyak.

Kausap niya ang mommy niya sa Skype kanina ng bigla niyang narinig na nag salita si Yasmine at tinatanong nito ang tungkol sa wedding gown na isusuot nito, pero agad naman itong sinaway ng mommy niya at sinabing mamaya na pag-usapan.

Dinalaw naman siya ng mommy niya at ng daddy niya ng ma-ospital siya, pero wala itong nabanggit tungkol doon, siguro ayaw na nitong madagdagan pa ang mga iniisip niya at lalong ma-depress.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon