CHAPTER 33

141K 3.3K 85
                                    

"Bro, mauna na kayo sa cafeteria. May pupuntahan muna ako." Hindi na niya inantay pang sumagot sila Zion agad ng tumakbo si Khielve palayo.

Nagpunta siya sa kung saan niya nakitang nagpunta si Kenneth at Kyrene, kaso hindi niya makita.

"Excuse me, nakita mo ba si Kenneth na dumaan dito?" Tanong niya sa babaeng nakasalubong niya. Kilig na kilig naman ng lapitan niya.

"Sorry Khielve hindi ko nakita eh." Ngiting-ngiting sagot ng babae.

"Okay, thank you" Palinga-linga siya sa paligid.

"Excuse me, nakita mo ba si Kenneth?" Tanong naman niya sa isang lalaki.

"Nakita ko nagpunta sa may garden." Sagot ng lalaki.

"Sige salamat." Agad siyang tumakbo sa may garden.

Palinga-linga siya. Hanggang makita niya ang dalawa nakaupo sa ilalim ng puno. Nagtago siya sa isang puno at pinagmasdan ang dalawa.

Masayang masaya ang dalawang kumakain, nagtatawanan. Nasasaktan si Khielve sa nakikita niya, he felt betrayed at galit din siya. Nakuyom niya ang palad niya na nakahawak sa puno. Nasuntok-suntok niya ng mahina ang puno, sabay alis na punong-puno ng galit.

Pumunta nalang siya ng cafeteria, nandun na sila Tricia.

"Hey Khielve! Is that true, Kyrene is already here? Bakit hindi siya nagpapakita satin? Bakit hindi sinabi ni Kenneth?" Sunod sunod na tanong ni Tricia, umupo si Khielve na hindi sinagot si Tricia.

"Are you and Kenneth are fighting? I heard sinuntok mo daw siya nung party mo." Tricia asks again. Hindi parin sumagot si Khielve.

"Hey Khielve, cou-

"Tricia kumain ka na nga lang." Singhal ni Simon dito.

"What's going on?" Pabulong na tanong ni Tricia kay Simon.

"I don't know. I'll tell you later." Sagot ni Simon na pabulong din.

****

"Sarap mo talalagang magluto Kyrene, busog na naman ako. Bukas uli ah?" Sabi ni Kenneth habang naglalakad sila pabalik ng building.

"Sige ba, ano gusto mo?"

"Adobo uli, sarap eh."

"Hindi kaya mapurga tayo nun?"

"Ahaha! Okay lang yun, may cr naman dito eh."

"Aahaha!" Nagtatawanan ang dalawa habang naglalakad. Biglang silang natigil ng may humarang sakanila.

"Seem happy! Are you enjoying each others company? Kaya ayaw mo magpakita samin Kyrene."

"Tricia!" Bulalas ni Kyrene.

"I hate you!" Tricia said and crossed her arms over her chest.

"Gaga ka! Namiss kita." Tricia added at niyakap si Kyrene.

"Kaya pala hindi ka sumasama samin maglunch ah, sinusolo mo si Kyrene gago ka!" Sabi naman ni Zion.

"Sorry bro. Sinasamahan ko lang si Kyrene." Sabi ni Kenneth at napahawak sa ulo.

"Musta Kyrene? Hindi mo ba kami namiss?" Simon asks.

"Syempre namiss ko kayo." Lumapit si Simon at binigyan siya ng yakap.

"Welcome to K.Y University Kyrene." Simon says. Yumakap din si Zion sakanya.

"So Kyrene, marami kang ik'kwento sakin right? I think I've missed something hmm?" Tricia says. Ngumiti lang si Kyrene.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon