CHAPTER 23

166K 3.8K 114
                                    


Naramdaman ni Kyrene na may humahaplos sa pisngi niya, kaya Unti-unti siyang dumilat.

"Good morning!" Mukha ni Khielve ang nakita niya. Nakaluhod ito sa sahig. Napaupo siya bigla.

"Anong  ginagawa mo dito? Tanghali na ba?" Tarantang tumingin si Kyrene sa clock.

"7:16" Anas niya sabay hawak sa mukha niya. Tumayo si Khielve at umupo sa kama.

"Bakit nandito ka? Nakakahiya naman eh." Sabi niya.

"Bakit ka Nahihiya? Alam mo ba sabi nila na makikita ang tunay na ganda pag bagong gising. Look at you! You're so gorgeous." Sabi nito. Napangiti siya.

"Ang lakas mong mangbola. Ano bang ginagawa mo dito?"tanong niya. Kinuha ni Khielve ang nasa sidetable na bouquet ng bulaklak.

"I just brought you  flowers." Sabay abot sakanya. Nagulat naman si Kyrene at kinuha ang bulaklak.

Grabe ang sweet niya! Sinong babae ang hindi kikiligin nito. Haist! Baka hindi ko na maantay ang birthday nito sagutin ko na to. - she thought herself. Tumingin siya kay Khielve.

"Thank you." Simpleng sagot niya.

"Tara na, breakfast na tayo." Sabi ni Khielve.

"Pwede bang hindi nalang ako sasabay sainyo mag breakfast." Sabi ni Kyrene. Kumunot naman ang noo ni Khielve.

"Bakit naman?"

"Nahihiya ako sa parents mo eh." Napangiti si Khielve.

"Tara na! Wag ka na mahiya." Sabi ni Khielve.

"Sige magaayos lang ako, susunod nalang ako." Sabi niya. Tumayo siya at pumasok ng banyo, nagayos siya ng sarili at lumabas din agad.

"Oh nandito ka pa! Sabi ko susunod nalang ako eh." Nasa kama parin si Khielve nakaupo.

"Inantay na kita baka hindi ka bumababa eh." Sabi nito at Tumayo na. Hinawakan nito ang kamay niya.

"Tara na!" Wala na siyang nagawa sumama nalang siya palabas.

Binawi niya ang kamay nung pababa na sila ng hagdan. Habang papunta sila sa dining ang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil nahihiya siya sa parents ni Khielve.

"Good morning guys." Bati ni Khielve sa lahat. Nasa dining na ang mga ito at inaantay nalang din siya.

"Good morning! Tara breakfast na tayo." Sabi ng mommy ni Khielve.  Pinaghila ni Khielve ng upuan si Kyrene.

"Hi Kyrene!" Bati nila Zion. Ngumiti lang si Kyrene.

"Upo kana Kyrene." Para naman may mga dagang nagtatakbuhan sa dibdib ni Kyrene sa sobrang kaba.

Umupo siya pero hindi makatingin ng diretsyo sa magulang ni Khielve. 

"Kain na." Sabi ni Khielve at pinaglagyan pa siya ng pagkain sa plato.

Mas lalo naman nakadagdag sa kaba ni Kyrene ang ginagawa nitong pag aasikaso sakanya.  Parang gusto niya itong patigilin sa ginagawa nito hindi naman niya masabi.

"Seniorito kanino mo po ibibigay ang bulaklak na pinabili niyo?" Tanong ni Martha habang nilalapag ang prutas sa lamesa.

Si Ate Martha talaga umiral na naman ang pagiging usyosera  nito. - sa isip niya dahil lalong padagdag ng padagdag ang kabang naramdaman niya.

"Nag pabili ka ng bulaklak anak? para kanino?" Tanong ng mommy niya.

"Ay opo ma'am! Inutusan ako ni siniorito kanina, sobrang aga. Sarado pa nga ang flower shop ng ganitong oras. Basta gawan ko daw ng paraan na makabili, kaya ayun doon ako nagpunta sa bahay ng may ari, sinabi ko emergency. Ahaha!" Natawa naman ang  mga ito.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon