CHAPTER 26

135K 3K 83
                                    

"Bakit wala pa si Kyrene?" Sambit niya habang nakaupo sa sofa. Nandun din si Simon at Zion.

"Si Kenneth nga wala pa! Kanina pa yun umalis. 12 o'clock na oh." Sabi naman ni Zion.

"Tawagan mo, baka naligaw na yun." Sabi ni Simon.

"Tinawagan ko, nagriring lang hindi sinasagot." Sabi ni Simon.  Tumayo naman si Khielve.

"Akyat lang ako, kukunin ko phone ko." Iniwan niya ang dalawa at umakyat siya.

Pumasok siya ng kwarto at kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa  side table.

"Oh, nagtext pala si Kyrene."

Binasa niya ang text.

[Khielve mamayang hapon nalang ako babalik. May importante lang akong gagawin. Happy birthday seniorito ko. XOXO!]  Napangiti si Khielve sa nabasang text ni Kyrene.

"Mauwh!  I love you Kyrene." Kiniss ni Khielve ang cellphone niya. Si Kyrene ang wallpaper and background ng phone niya.

****

Apat na oras na silang nagb'byahe ni Kenneth. Lagpas na rin sila sa centro ng San Jaoquin.

"Kyrene itext mo naman si Khielve sabihin mo na kasama mo ako, hindi ako nakapag paalam eh. Baka nagaalala na yung mga yun." Sabi Kenneth.

"Sige" kinuha niya ang cellphone niya sa maliit na pouch niya.

"Kenneth walang signal eh. Mamaya nalang pag nagka signal." Liblib na ang bahaging ito ng San Joaquin, puro puno ang nadadaanan nila.

Hanggang sa marating nila ang address ni binigay kay Kyrene. Bumababa sila ng kotse.

"Dito na yun Kenneth. Magtanong nalang tayo, hindi ako makatawag kay aling Caridad." Lumapit sila sa isang tindahan.

"Ale pwede po magtanong?"

"Ano yun ineng?" Tanong ng tindera.

"Saan po ang ba ang bahay ni Aling Caridad? Caridad San Juan po."

"Diyan lang ineng, pangatlong bahay mula dito." Sabi nito.

"Sige po salamat."

"Walang anuman." Naglakad sila papunta sa bahat ni Aling Caridad.

"Tignan mo Kyrene kung hindi kita sinamahan, masyadong delikado para sayo." Sabi ni Kenneth

"Salamat Kenneth." Masyado kasing malayo ito sa babaan ng bus. Kailangan pang mag tricycle para makapasok sa baranggay na ito.

Narating nila ang bahay ni Aling Caridad.

"Tao po! Tao po!" Tawag ni Kyrene.

"Hija nandiyan ka na pala, halika tuloy kayo." Sabi ng Ale. Pumasok naman sila at umupo. Umupo din sa kaharap na upuan nila ang ale.

"Hindi ba kayo nahirapan hanapin to?"

"Hindi naman po nagtanong tanong lang po kami sa daan, hindi ko po kayo matawagan. Pag lagpas kasi ng centro pawala- wala na ang signal." Paliwanag ni Kyrene.

"Ganun talaga hija dito, buti nga at nakontak mo ako kanina. Laging nasa taas ng divider ang cellphone ko para makasagap na signal." Ngumiti lang si Kyrene.

"Ano nga pala ang itatanong mo at sinadya mo pa ako dito?"
"Inom po muna kayo." Anak ni Aling Caridad naglapag ng inumin sa center table.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon