CHAPTER 18

180K 3.9K 122
                                    

"Bro! Ang aga mo namang nagkukulong ng kwarto." Pumasok sila Simon at Zion sa kwarto ni Khielve. Tumingin lang sa dalawa at muling binaling ang paningin sa kung saan. Nakaupo lang ito sa kama at nakasandal sa headboard.

"May problema ka ba?" Tanong ni Zion sabay upo sa kama. Umiling si Khielve.

"Kamusta pag hatid mo kay Kyrene kanina? Galit na galit si Monique.  Hindi na nga nagpahatid samin, sa mga body guards na niya nagpahatid." Sabi ni Simon. Wala lang imik si Khielve.

"Hoy bro. May kausap ba kami? Problema mo?" Tanong uli ni Zion.

"Si Kyrene ba? Alam mo kasi bro. May gusto ka naman ayaw mo pa umanin. Bakit mo sa--

"Binasted niya ako." Putol ni Khielve sa sabihin ni Zion.

"ANO!?" Sabay ng dalawa.

"Uulitin ko pa ba?" Iritang sabi ni Khielve.

"Ahahaha!" Tumawa ng malakas ang dalawa.

"Sigurado ka? Ano ba sinabi mo? Baka naman ginawa mo sakanya ang paraan mo sa ibang babae." Sabi ni Simon na natatawa parin. Tinignan ito ni Khielve.

"Kelan ako ng ligaw ng babae?" Nakasimangot na sabi ni Khielve.

"Wala pa nga, si Kyrene pa lang. Kaso basted ka. Baka naman kasi hindi maayos ang panliligaw mo." Simon said.

"Hindi pa nga ako nangliligaw. Sinasabi ko pa lang na manliligaw ako binasted na ako."

"Ahahahah!" This time mas malakas na tawa ang ginawa ng dalawa na hinahampas-hampas pa ang kama ni Khielve.

"Tumigil nga ko kayo sa pagtawa mga gago." Sabi nito sabay hampas ng unan sa dalawa.

"Whoo! Totoo ba yan bro? Khielve John Montillo first time manligaw basted agad. Ahaha! Ibang klase si Kyrene.  Hindi umobra ang karisma mo sakanya." Sabi ni Zion.

"Dapat may rememberance tayo nito eh." Sabi ni Simon sabay kuha ng cellphone niya at pinicture'ran si Khielve.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Khielve. Ngumiti lang si Simon.

"Buksan mo fb mo." Sabi ni Simon.

"Wala ako sa mood para mag fb. Anaknang!" Irita parin ito.

"Tignan mo lang. May tinag ako sayo." Sinusunod nalang niya ito at tinignan.

"Burahin mo nga to siraulo ka!" Sabi ni Khielve dahil In'upload nito ang picture niya na hindi na maipinta ang mukha.

May Caption na. Ito ang itsura ng isang Khielve John Montillo pag nabasted. First attempt sa panliligaw basted agad. Wahahaha!! Marami agad ang comments nagtatanong kung sino ang tangang babae ang gumawa nun.

Nagring ang cellphone ni Simon. Sinagot naman ito ni Simon.

"Hello Tricia."

"Simon totoo ba yung post mo?" Agad na tanong ni Tricia.

"Sandali lang." Niloud speaker ni Simon ang cellphone.

"Totoo yun basted si Montillo. Ahaha!" Tawanan ang dalawa.

"Binasted siya ni Monique?" Tricia asks.

"Ni Kyrene.  Ahaha!" Sabay na sabi ni Simon at Zion sabay tawa ng malakas.

"OH MY GOD! Totoo ba yan? Umamin na siya. Bakit daw siya binasted?" Inagaw ni Khielve ang cellphone.

"Wala! Tsismosa ka." Sabi ni Khielve sabay patay sa cellphone. Lalo namang tumawa ang dalawa.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon