Unti-unting nag mulat si Khielve, pero nagulat ito ng makita niyang may katabi siya, at sa itsura nito mukhang wala itong saplot.
"Yasmine" Anas niya, unti-unti namang dumilat si Yasmine.
Nabaling ang mata niya sa may pinto at doon mas lalo siyang nagulat ng makita si Kyrene nakatayo sa pinto na tulala at nakatingin sakanila.
Agad na bumangon si Khielve.
"Kyrene" mahinang anas niya. Kitang-kita niya ang pag patak ng luha sa mata nito at humakbang paatras.
"Kyrene" Tumalikod si Kyrene at mabilis na umalis.
"KYRENE!" Malakas na tawag ni Khielve, mabilis siyang tumayo habang nakatapis ang kumot at mabilis na nagbihis ng short niya.
"Khielve bakit umiiyak si Kyre-" Halos malaglag ang panga ng mommy niya sa nakita. Pero hindi ito pinansin ni Khielve, mabilis siyang lumabas at medyo na bangga pa niya ang mommy niya na tulala rin.
Mabilis ang mga hakbang ni Khielve na kulang na lang talunin niya ang pagbaba sa hagdan. Agad siyang lumabas ng mansiyon na ang tanging suot niya ay short. Agad siyang lumabas ng gate, pero hindi na niya naabutan si Kyrene.
"DAMN! DAMN! DAMN!" Halos sabunutan niya ang buhok at naitukod niya ang dalawang kamay sa tuhod at halos habol ang paghinga niya, dahil sa pagtakbo at dahil sa iba-ibang emosyon na nararamdaman niya.
Kaba, takot at galit, tumayo siya ng maayos at napahawak siya sa buhok niya, tumingin siya sa mansyon. Napalitan ng panglilisik ng mata, at punong-puno ng galit ang dibdib niya. Mabilis ang mga hakbang na pumasok si Khielve sa mansiyon at agad na tumakbo paakyat. Agad siyang pumasok sa kwarto, nakabihis na si Yasmine. Marahas niya hinablot ang braso nito.
"ANONG GINAWA MO!?" Halos umalingaw-ngaw ang sigaw ni Khielve sa buong ikalawang palapag ng kabahayan.
"Wala akong ginawa, ikaw ang may ginawa sakin." Sagot ni Yasmine na hindi man lang nag-pakita ng takot.
"BULLSHIT YASMINE!! SABIHIN MONG WALANG NANGYARI!" Halos ma pa ngiwi si Yasmine sa sobrang higpit at kulang nalang balian niya ito ng braso.
"Khielve enough!" Saway ng mommy niya.
"Bitawan mo ako Khielve, wag kang mag maang-maangan na akala mo hindi mo alam ang nangyari, dahil alam na alam mo ang nangyari, binabangit mo ang pangalan ko."
"SINUNGALING!" Malakas na sigaw ni Khielve.
"Khielve tama na!" Lumapit ang mommy niya at inawat si Khielve, binitawan naman ito ni Khielve.
"Umalis ka na Yasmine." Agad namang kinuha ni Yasmine ang bag niya at mabilis na umalis. Napaupo si Khielve sa kama at nahilamos ang palad niya.
"Anong ginawa mo Khielve?" Tanong ng mommy niya, pero hindi ito sinagot ni Khielve. Nahagip ng mata niya ang bulaklak na dala ni Kyrene na nasa lapag malapit sa pinto, tumayo siya at pinulot ito at tinignan niya ang greeting card.
[I'm sorry señiorito ko, promise ko hinding-hindi na ako bibitaw, ipag-lalaban kita hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal kita.]
Napaupo si Khielve sa sahig, sa gilid ng kama. Hindi na niya napigilan ang mga luha niya, lumuhod naman ang mommy niya sa tabi niya at hinawakan siya sa braso niya na nakapatong sa tuhod niya.
"Khielve anak." Awang-awa ang mommy niya dito, dahil sa buong buhay niya ngayon lang niya ito nakitang umiyak.
"Mom, hindi ko alam ang nangyari.. Si Kyrene mom, si Kyrene, anong gagawin ko?" Niyakap ito ng mommy niya.