Papauwi na si Khielve galing ng school, nag hang out muna sila nila Simon sa isang cafe bago siya umuwi ng bahay. Kakapasok palang niya ng subdivision. Papunta ng bahay nila, kumunot ang noo niya sa nakita niya.
"Sasakyan ni Kenneth yun ah. Anong ginagawa niya dito?" Papasok na siya ng gate na pinagbuksan ng maid.
Pinarada niya agad at lumabas ng sasakyan. Pumasok siya ng bahay.
"Manang si Kenneth po nag punta dito?"
"Oo seniorito nagpunta siya, pero umalis din, hindi ka na inantay, may pupuntahan pa daw siya." Sabi ni Manang Betty. Tumango lang siya at umakyat na sa taas.
Pumasok siya sa kwarto at binagsak ang sarili sa kama. Nagtanggal ng sapatos na nakahiga.
"Anong bang ginagawa niya at nagpunta pa siya dito? Hindi pa siya nakontento sa katrayduran niya sakin." Sabi ni Khielve.
"Kyrene Kyrene Kyrene! Kailangan na kitang kalimutan, pero bakit hindi ko magawa?" Nahilamos niya ang kamay niya sa mukha niya at tumayo nalang.
*****
"Mukhang masarap yan Kyrene ah." Sabi ni manang Betty.
"Recipe po ito ni Nanay. Magaling siyang magluto ng adobo, nakukuha ko naman ang lasa kahit papano."
"Tamang-tama, dito kakain si seniorito, maaga siya umuwi eh."
"PO!?" Napalakas ang boses ni Kyrene.
"Bakit may problema ba?"
"Wala po!" Mahinang sabi niya. Natapos siya sa pagluluto.
"Manang Betty akyat po muna ako. Mamaya nalang po ako kakain, gagawa po ako ng assignment." Paalam niya kay Manang kasi kung magtatagal pa siya baba baka makita siya ni Khielve.
"Oh sige." Yun lang at mabilis na siyang umakyat.
Pero pagdating niya sa pinakataas ng hagdan nagdahan-dahan muna siya dahil madadaanan niya ang kwarto ni Khielve.
"Okay Kyrene! 1... 2... 3.." Sabay takbo papuntang kwarto niya at agad na nilock ang pinto. Hindi na rin niya binuksan ang ilaw.
***
Pagkatapos magbihis ni Khielve nanonood lang siya ng tv. Pag dating ng 7pm naisipan niya ng bumaba para kumain.
"Manang ano po ulam?" Tanong ni Khielve kay manang Betty.
"Adobong manok seniorito. Paghahain ko na po kayo."
"Sige po manang salamat." Umupo si Khielve sa dining table set na nasa malapit sa kitchen. Mas gusto niyang dito kumakain kesa sa dining room talaga kapag magisa lang siya.
Nilagay ni Manang ang pagkain sa lamesa.
"Salamat manang." Sabi ni Khielve at nagsimulang kumain. Natigilan siya ng matikman niya ang adobo.
Kalasa ng adobo ni Nanay Belen. -sa isip niya. Pinagpatuloy uli niya ang pagkain. Natapos siyang kumain at tumayo na.
"Ang sarap ng adobo mo manang." Sabi ni Khielve kay manang Betty na nililigpit na ang pinagkainan niya.
"Hindi ako ang nagluto seniorito." Sagot nito.
"Ganun po ba." Yun lang ang sinabi niya at umakyat na uli.
Pero hindi siya pumasok sa kwarto, umupo siya sa living room sa second floor kung saan malapit sa kwarto ni Kyrene. Binuksan niya ang t.v doon at nanood.