Nagluluto si Kyrene, tinutulungan niya ang nanay niyang magluto. Pero si Inday lang kasama niya dito, iniwan muna sakanya ng nanay niya ang niluluto nito.
Napaigtad siya ng maramdaman niyang may humaplos sa batok niya. Pakiramdam niya nagsitayuan ang balahibo niya sa batok. Lumingon siya dito.
"Khielve"
"Ang sipag naman."
"Tinutulungan ko lang si nanay." Humarap uli siya sa niluluto niya.
"Meron ka palang birthmark sa batok no? Kakaiba, kalahating puso." Tumingin uli si Kyrene dito. Hinawakan niya ang batok niya. Naka tied up kasi ang buhok niya kaya kitang-kita ang pulang-pulang balat sa batok niya na hugis half heart.
"Oo, feeling ko nga, yung kalahati nito nasa taong makakatuluyan ko." Nakangiting sabi niya.
"Wala" Mabilis na sagot ni Khielve.
"Pano mo nasabi?"
"Eh wala naman akong balat. Ako kaya makakatuluyan mo." Napangiti naman ng husto si Kyrene sa sinabi nito na agad humarap sa niluluto.
"Eeehh! Sana may magsabi din sakin ng ganyan." Napatingin sila kay Inday na nakasalikop pa nag dalawang palad at parang nag iimagine.
"Ikaw Kyrene hindi ka ba kinilig sa sinabi ko? Tanong ni Khielve. Agad na binalik ni Kyrene ang tingin sa ginagawa.
"Hindi, do'n ka na nga. Baka masunog pa tong niluluto ko sayo eh." Sabi niya pero nagpipigil siyang mapangiti, kinikilig naman talaga siya.
"Sige na nga aalis na ako.... Kyrene!" Tsup!
Napaawang ang bibig niya ng paglingon niya bigla siyang hinalikan sa labi ng mabilis. Ngiting-ngiti ito and mouthed 'I love you' bago umalis ng kitchen. Agad siyang tumingin kay Inday na buti nalang at busy na uli sa paghihiwa ng gulay.
"Pasaway talaga." She muttered.
****
Kakatapos palang ng klase nila Kyrene, lumabas sila ni Jelian.
"Mauna na ako sayo Kyrene, puntahan ko si ate Yas."
"Sige Jelian." Nauna ng umalis si Jelian at umakyat ng 3rd floor. Kinuha niya ang cellphone niya at tinignan. May miscall at message sakanya. Unknown number.
In'open niya at binasa.
[Hi Kyrene, pwede ba tayong magkita ngayon? This is Ms. Margarita.] Magrereply sana siya ng biglang may incoming call. Sinagot niya ito.
"Hello"
"Hello Kyrene, it's me Margarita, pwede ba tayong magkita ngayon? Actually malapit na ako sa school. Tapos na ba klase mo?"
"Ms. Margarita, tapos na po ang klase ko. Ano po bang paguusapan natin?" She asks
"Pwede ba tayong lumabas? samahan mo ako." Nagtataka naman si Kyrene sa sinabi nito.
"Kasi po, sabay kami ni Khielve uuwi eh."
"Please Kyrene, samahan mo lang ako. Please!" Pakiusap nito. Nagisip saglit si Kyrene.
"Umm, sige na nga po. Sabihin ko po muna kay Khielve."
"Okay, antayin kita sa labas ng school."
"Okay po." Pinatay niya ang tawag. Nagtext naman siya kay Khielve.
Sinabi niya dito ma sasamahan niya si Ms. Margarita at agad naman itong tumawag sakanya.