CHAPTER 35

139K 3K 120
                                    

CAFETERIA:

Nasa cafeteria na silang lahat para maglunch. Nasa magkabilang dulo nakaupo si Kenneth at Khielve. Tricia, Jelian and Kyrene magkatabi sa kabila si Zion and Simon.

"Ano baon mo Kyrene? penge naman." Sabi ni Zion.

"Sige kuha ka." Sagot ni Kyrene.
"Hi everyone!" Napatingin sila sa kakarating lang na si Yasmine. May kasamang dalawang babae.

"Hi B!" Nagulat ang lahat sa tawag ni Yasmine kay Khielve At humalik pa ito sa pisngi.

"Upo ka na, kinuha na kita ng pagkain mo." Sabi ni Khielve.

"Oww! You're so sweet Khielve." Sabi ng kaibigan ni Yasmine. 

Parang tinusok naman ang puso ni Kyrene sa narinig, nakatingin lang siya sa pagkain.

"Anyway guys, these are my friends Stacy and Bianca. Kilala niyo na sila diba?.... Girls, this is Kyrene." Pakilala ni Yasmine.

"Ow! Hi there, the mystery girl in Facebook,  I finally meet you." Bianca says. Ngumiti lang dito si Kyrene.

"Girls, magkita nalang tayo mamaya ha." Sabi ni Yasmine.

"Okay, bye! Diyan ka na muna sa B mo." Natawa lang na mahina si Yasmine sa sinabi ng mga kaibigan at umupo na sa tabi ni Khielve na katabi nila Zion.

"So,.. B! Kayo na?" Tricia asks. Ngumiti lang si Yasmine. Hindi naman umimik si Khielve.

"Kayo na bro? Kelan pa?" Kunot noong tanong ni Simon.

"Hindi! I've just found out na siya pala yung long lost friend ko." Sabi ni Khielve. Nakikinig lang si Kyrene.

"Really?! How you found it out?" Tricia asks.

"It was a long story, hindi niyo naman kailangan malaman. Right B?" Sabi ni Yasmine at ngumiti naman si Khielve dito.

"Kyrene, nasimulan mo na ba ang portfolio mo?" Tanong ni Jelian.

"Hindi pa eh. Pero mamaya sisimulan ko na." Sagot ni Kyrene.

"You know what Kyrene, next month magkakaroon dito ng mini fashion show. Diba ate Yasmine tuloy na yun sabi ni tita Margarita?" Jelian says.

"Yeah" Simpleng sagot ni Yasmine.

"Fashion show?" Tanong ni Kyrene.

"Yeah, uhm.. Student  fashion design competition siya, sali tayo ah! Kaya mamaya sisimulan ko na yung portfolio ko. For sure one of this day, ia'announce  na ang tungkol dun." Jelian says.

"Ibig mong sabihin, gagawa tayo ng totoong damit." -Kyrene

"Yeah, and kukuha tayo ng sarili nating model. Sumali ka Kyrene ah, baka manalo ka. Yung gagawin nating damit yung mga design natin sa portfolio na ginawa natin dapat."

Gusto ko, kaso mukhang magastos naman yun. Wala din akong sewing machine!! May binigay naman sakin si nanay na pera. Binigyan din ako ni donya Clara, kaso baka hindi sapat yun. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera pagnaubos yun. haist!! Sayang naman. - sa isip niya. Binigyan kasi siya ni Donya Clara pang gastos niya, ayaw niya sana tanggapin pero pinagpilitan ni Donya Clara.

"Hindi siguro ako makakasali diyan." Sabi nalang niya.

"But why?" Jelian asks.

"Oo nga Kyrene,  sumali ka dun, ako nalang model mo." Nakangiting sabi naman ni Tricia.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon