CHAPTER 10

212K 4.7K 398
                                    

Unti-unting kumilos si Kyrene at nagmulat ng mata. Inikot niya ang paningin niya. Kinurap kurap niya ang mata niya. Wala siya sa kwarto niya.

Hala! Asan ako? Binaling niya ang paningin niya sa right side. Nanglaki ang mata niya nangmakita niya si Khielve. 

Anong ginagawa ko dito? -bigla niyang naalala kagabi. Napahawak siya sa noo niya.

"Nakatulog ako kagabi." Tumingin uli siya sa natutulog na si Khielve. Inangat niya ang comforter na nakakumot sakanya.

Napanganga siya sa nakita niya. nakayakap ang isang braso nito sa bewang niya. Tumingin uli siya kay Khielve babalik ang tingin sa brasong nakayakap at babalik uli sa mukha ni Khielve. Biglang gumalaw ang kamay nito at humigpit ang pagkakayap sakanya at mas lalong nilapit ang sarili sakanya.

"Hoy! Gumising ka nga." Tinulak ni Kyrene ang mukha nito gamit ang kamay niya.

Nagising naman ito sa lakas ng pagkakatulak niya sa mukha nito.

"Ano ba yun Kyrene? Bakit ba?" Tanong nito. Bumangon si Kyrene at umupo.

"Anong bakit ba? Bakit nandito ako? Bakit hindi mo ako ginising?"

"Ginigising kita. Ayaw mong magising. Kaya hiniga nalang kita." Sabi nito at umupo na rin.

"Yun lang ginawa mo? Wala kang ibang ginawa?" Tanong ni Kyrene dito.  Tinignan siya nito.

"HOY GISING NA!" Medyo malakas na sabi nito sabay poke sa noo niya ng malakas.

"Araay." Napahawak si Kyrene sa noo niya.

"Feeling mo naman may gagawin  ako sayo. Baka nga ikaw pa may ginawa sakin eh. Siguro nagtulog tulogan ka kagabi no? Para makatabi mo ako." Namumungay ang mata nito.

"Bakit ko naman gagawin yun? Ang kapal ng mukha mo." Inalis niya ang comforter na nakakumot sakanya at binababa ang paa sa kama. Natigilan siya bigla. Lumingon siya dito.

"Bakit malamig? Hay grabe! Hindi sira ang aircon?!" Nanglalaki ang mata na tanong niya. Ngumiti lang ito at nagkibit ng balikat.

"Bwesit ka talaga! Naku! Ang lakas na sira ng ulo mo. Yan ang dapat mong ipaayos eh." She said irritatingly. She got up and steps towards the door.

"Good morning Kyrene." Pahabol na sabi ni Khielve. Ngiting Ngiti ito.

"Ang sarap mong inisin Kyrene." Sabi niya. Tumingin siya sa alarm clock na nasa side table. 8:30 na  naisipan niya na ring bumangon.

Pumunta siya ng banyo at ginawa ang man's daily routine at lumabas na rin ng kwarto. Naisipan niyang puntahan sa kwarto sila Kenneth. Hindi na siya kumatok, binuksan niya ang pinto at tuloy-tuloy na pumasok. Tinalunan niya ang tatlong tabi-tabing natutulog.

"God dammit Khielve!!" Sabi ni Zion na napangiwi dahil sakanya lumanding si Khielve.

"Gising na! Tanghali na." Sabi ni Khielve na nakadagan parin kay Zion. Nagising na rin si Kenneth at Simon. Tumingin si Simon sa wrist watch niya.

"Putcha naman oh! 8:45 palang tanghali na. Kailan ka pa naging ganyan bro?" Reklamo ni Simon. Dahil hindi talaga ito maagang gumising. Halos tapos na ang tanghalian kung gumising ito kapag walang pasok.

"Bilis na tayo na. Mamasyal tayo. dali!" Tumayo na si Khielve at pinagpapalo ang tatlo ng unan. Tumayo na rin ang mga ito.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Zion

"Kahit saan?" Sabi ni Khielve at umupo ito sa couch.

"Ayain natin si Kyrene. Puntahan natin yung sinasabi niyang ilog?" Kenneth suggested. Everyone looks at him.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon