CHAPTER 2

265K 5.1K 190
                                    

"Ang sama talaga ng ugali ng lalaking yun! gwapo sana kaso saksakan ng arogante, akala niya kailangan ko ang pera niya, simpleng SORRY LANG!!! hindi niya kayang ibigay." Nanggagaliiting sabi ni Kyrene habang nakasakay sa tricycle.

" Kyrene relax ka lang, kabata bata mo pa high blood kana agad." Sabi ng manong driver.

"Manong naman kasi! sino ba ang hindi mahi-high blood sa lalaking yun? ang sama ng ugali,  pag nakita ko uli 'yon.. NAKU!!!!" Nanggagaliiti pa rin ito at  naka-kuyom pa ang palad nito.

"Bakit ate? anong gagawin mo?" Tanong ng kapatid niya na katabi niya sa tricycle, nilingon niya ito.

"Tatadyakan ko siya, ipapalapa ko siya aso at ilulublob ko siya sa swimming pool."

"Wala naman tayong swimming pool eh."

"Sige sa ilog nalang."

" Pero Kyrene sabi mo gwapo?" Tanong ni manong sabay ngiti ng pilyong ngiti.

" Uhmm.. pwede na."

" Sa wakas may sinabihan ka ring gwapo. ahaha!!" Natatawang sabi nito dahil kilala rin nito si Kyrene na masyadong mailap sa lalaki, hindi naman talaga mailap, ayaw lang niyang nag-papaligaw dahil ina-anatay lang talaga niya ang lalaki sa panaginip niya.

" Manong talaga oh."Narating nila ang hacienda.

"Ikaw pala Kyrene." Sabi ng security guard at binuksan ang gate.

"Magandang tanghali manong, gma'gwapo ka ah." Pangbobola ni Kyrene sa security guard.

"Ikaw talaga Kyrene ang lakas mong mangbola ah." Tuluyan ng pumasok ang tricycle sa loob ng hacienda at huminto sa malaking mansyon.

"Manong, patulong naman po akong ipasok sa loob itong mga pinamili ko." Pakiusap ni Kyrene.

" Sige Kyrene walang problema." Sagot  ng manong driver.

Agad na pumasok si Kyrene sa mansyon na dala ang ibang pinamili niya, dumiretso siya sa kusina.

"Oh Kyrene anak, nandiyan kana pala. Sandali, anong problema? bakit hindi maipinta ang mukha mo?" Tanong nanay niya.

" Hay naku nay! may sira ulong barubal mag maneho, muntik na kaming masagasaan, nabasag tuloy yung mga itlog. "

"Buti hindi kayo nasaktan." Alalang sabi ng nanay niya.

"Kuya Ben, baka po pwede uli kayong  bumili ng itlog." Sabi ni Kyrene sa isang boy sa mansyon, masasabi na rin itong katiwala dahil sa pinag-kakatiwalaan talaga ito ni Donya Clara dito.

"Oh sige Kyrene walang problema." Sabi ni Ben.

"Ito po yung pera, isang tray po ah." Inabot niya ang pera sa boy at agad naman itong umalis.

"Anong oras po ba ang dating ng apo ni Donya Clara? " Tanong niya sa nanay niya.

" Mamaya pang hapon." Sabi ng nanay niya.

" Alam niyo gwapo daw ang anak ni Sir Henry." Sabi ng isang katulong ng mansyon.

"Pero lagi daw napapasok sa gulo, kaya ipapadala dito sa probinsya." Patuloy nito.

" Aaah! masama ang ugali." Sabi ni Kyrene na tatango tango habang naka-patong ang dalawang kamay sa gilid ng lamesa.

"Hindi naman siguro, mabait naman ang mga magulang niya, pati si Donya Clara napakabait din." Sabi ng isang katulong.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon