CHAPTER 25

150K 3.2K 109
                                    

"Khielve" Sambit ni Kyrene.

"Sorry, payakap lang please!" Lalong hinigpitan ni Khielve ang pagkakayakap sakanya. Niyakap nalang din ito ni Kyrene.

"Sige na aalis na ako, tsaka nakakahiya sa mommy mo eh. Nagpaalam lang ako sakanya na papasok ako dito para magpaalam." Sabi ni Kyrene pero ayaw bumitaw ni Khielve. 

"I love you Kyrene." He whispered. Napangiti naman si Kyrene.

"Alam ko, naniniwala ako."

Mamaya sa party mo ibibigay ko ang matamis kung oo. - Sa isip ni Kyrene.

"Kyrene can I kiss you?" Sabi ni Khielve habang nakayakap parin.

"Khielve hindi pwede! Aalis na ako sige na bitaw na." Pero ayaw parin bumitaw ni Khielve.

"Sige na please!  Smack lang, birthday ko naman eh. Gift mo na sakin."

"Khielve hindi pa tayo! Haist! Grabe ka naman eh. Mamaya yung gift ko sa party." Halos dumuduyan silang dalawa sa pagkakayakap sakanya ni Khielve.

"Mahal mo ba ako Kyrene?" Tanong ni Khielve.

"Khielve, diba nag  I love you na ako sayo?"

"Oo, Pero gusto kong marinig yung mahal na mahal na mahal din kita Khielve." Napangiti nalang si Kyrene.

"I love you Khielve!"

"Kelan mo ba sasabihin yung tagalog version?"

"Ahaha! Ang kulit mo! Atayin mo ako sa party mo. Mamaya sa party maraming tao, busy ka masyado, magkita tayo sa garden pag nakatakas ka sa mga bisita mo." She said. Khielve pulled away  na ngiting-ngiti.

"Sige magkita tayo dun, Pero gusto ko mamaya sa party sa tabi lang kita. Hindi ka aalis sa tabi ko." He said biglang nawala ang ngiti ni Kyrene.

"Oh bakit?"

"Pwede bang...... Wag nalang akong tatabi sayo, nakakahiya kasi. Alam mo naman simpleng dress lang ang isusuot ko yung bigay ni Tricia. Alangan isuot ko yung pang sagala ko." Nagaalangan siya na sabihin nung una, pero tuloy - tuloy din naman niya na sabi yung iba. Napangiti si Khielve.

"Akala ko kung ano na eh. Basta mamaya hindi ka aalis sa tabi ko, sabay tayong lalabas ng mansyon. Okay?" Hinawakan nito ang mukha niya.

"I love you Kyrene!  Sobra." Seryong sabi nito. Parang natutunaw naman ang puso sa niya narinig.

"Gusto kitang halikan, pero ayaw mo eh." Sabi nito na seryoso parin ang mukha.

Napahingang malalim si Kyrene at napapikit at dumilat muli. Pinakatitigan ni Kyrene ang mukha ni Khielve.

Pumayag na kaya ako?  Total nagkiss na rin naman kami. Mahal ko siya, mahal niya ako. Sasagutin ko na naman siya mamaya, tsaka parang kami na rin naman kasi nag I love you na ako. -She thought and she closes her eyes.

"Sige na, smack lang ah." Sabi niya habang nakapikit. Napangiti naman ng husto si Khielve.

"Thanks Kyrene!"

"Bilis na baka magbago pa isip ko eh." Sabi ni Kyrene.

Unti-unting lumapit ang mukha ni Khielve sa mukha ni Kyrene, hanggang sa lumapat ang labi ni Khielve sa labi niya. Pero instead na smack kiss lang ang gagawin niya. Hindi niya napigilang halikan ito higit pa sa smack lang.

He moves his lips gently, Kyrene opens her eyes as she felt Khielve is giving her a lingering lip kiss instead of smack kiss. But then she just closes her eyes again, she can't help but to response his kiss. They're kissing so lovely, sharing passionate kiss.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon