"Ano ng gagawin natin? Yung anak ko, p'ano kung hindi na si Kyrene bumalik?" Paroon at parito si Ms. Margarita. Hindi ito mapakali. Lumapit ito sa asawa at humak sa magkabilang braso nito.
"Vincent hanapin natin siya, do something please." Pagmamakaawa nito sa asawa na parang gusto ng umiyak.
Nasa living room silang lahat.
"It's Jelian's fault. Siya ang tumulong kay Kyrene para makipag tanan." Sabi ni Yasmine na nakaupo sa sofa.
"Jelian why did you do that?" Mahinahong tanong ni Margarita.
"I'm sorry tita, pero naaawa na po ako Kyrene. Hirap na hirap na po siya, sinabi niya sainyo okay lang siya dito, but the truth is, she wasn't okay." Paliwanag ni Jelian. Umiyak na ng tuluyan si Margarita sa narinig mula kay Jelian.
"Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ni Jelian Margarita." Tumayo si Dianna at tumingin kay Jelain, alam naman ni Jelian ang nais ipahiwatig ng mommy niya, kaya tumayo na rin siya.
Nagpapaalam ang dalawa at magkasunod na umakyat. Pumasaok ang dalawa sa kwarto nila.
"Why did you do that?" Tanong agad ni Dianna sa anak. Hindi umimik si Jelian.
"Hindi mo dapat ginawa yun." Patuloy nito bahagya pang naihahampas ang kamay sa hangin.
"Hindi ka dapat nangingialam sa problema nila dito."
"Pero mom, masyado ng kawawa si Kyrene. " -Jelian
"Kahit na. Pa'an kung palayasin tayo dito sa ginawa mo ah." -Dianna
"Then umalis tayo, mom ikaw lang naman ang may gusto dito, sumama nalang tayo kay dad. Sa states, d'on tayo with dad."
"No. Dito tayo, dito lang tayo." Napaupo nalang si Jelian sa kama. Umupo si Dianna sa tabi ni Jelian at hinawakan ang magkabilang bakikat nito.
"Jelian, dapat ikaw at si Yasmine ang nagkakampihan. Hindi yung si Kyrene ang kinakampihan mo."
"I'm sorry mommy but I can't do that. Mali ang ginagawa ni Ate Yas. Sobra ang obsession niya kay Khielve kahit Alam niyang mahal ni Khielve si Kyrene." Napabuntong hininga nalang si Dianna.
******
"Khielve ang layo na nito." Nakatanaw si Kyrene mula sa bintana ng sasakyan, halos magdamag silang buma-byahe. Lagpas na sila sa San Isidro, maging sa San Jaoquin.
"San Sebastian" Anas ni Kyrene habang binabasa ang pangalan na nasa arkong gawa sa bato, lupa ang daan na medyo bako-bako. Tumingin siya kay Khielve.
"Khielve hindi ka pa ba pagod?" Ngumiti si Khielve sakanya.
"Makita lang kita, wala na ang pagod ko." Ngumiti si Kyrene at inalis ang seat belt niya.
Naglean sideward siya at tinukod ang kamay sa upuan at hinalikan si Khielve sa pisngi. Nag body language naman si Khielve na parang na boost ang lakas niya sa ginawa ni Kyrene.
"Wow! Whoo! Para akong kumain ng spinach at na-boost ang strength ko." Sabi nito pagkatapos mag body language.
"Ahaha! Ang o.a mo." Natawa ng malakas si Kyrene sa ginawa nito.
Nakapagpahinga naman sila kanina sa isang lodge ng ilang oras. Pero alam niyang pagod na talaga si Khielve.
Maya-maya lang hininto ni Khielve ang sasakayan at binababa ang binta ng sasakyan. Dumungaw siya sa bintana.