CHAPTER 42

171K 4.2K 255
                                    

Alalang-alala si Khielve, tumakbo siya sa taas para kunin ang susi ng sasakyan, para hanapin si Kyrene. Agad din siyang bumababa at patakbong pumunta sa may pinto.

Papalabas na siya ng bigla niyang nakita si Kyrene sa labas ng gate na basang-basa.

"Kyrene" Anas niya.

Kinuha niya ang payong sa may gilid ng pinto at patakbo sa gate. Pinagbukasan niya ito ng gate, at agad na inakbayan.

"God Kyrene! Saan ka ba ng galing? Bakit nagpaulan ka?" Hindi nagsasalita si Kyrene, nakayakap lang ito sa sarili, at nanginginig.

Ramdam ni khielve ang panginginig nito kaya hinigpitan nito ang pagkakaakbay sakanya. Sinalubong naman sila ni Manang Betty na may dalang malaking towel.

"Diyos ko Kyrene bakit ka nagpaulan?" Tanong ni Manang Betty at agad binalabal ang sakanya ang towel. Kinuha rin ang bag niya na basa na rin.

"Kyrene sorry, nasiraan ako, sinundo kita pero wala kana eh." Sabi naman ng driver.

"Okay lang po! Hindi niyo po kasalanan." Sabi niya na nanginging ang labi.

Pumasok si Kyrene at umakyat sa taas, sinamahan siya ni Khielve.

"Sige na seniorito, okay na ako salamat." Sabi niya at tumuloy na sa kwarto.

Nagpunta lang siya ng banyo at naligo ng warm water saglit at lumabas din agad at nagbihis. Kumuha siya ng isa pang towel at pinangsapin sa unan para hindi ito mabasa. Humiga siya dito na nanginginig parin, nagkumot siya ng comforter.

****

Nasa living room si Khielve at inaantay si Kyrene na bumababa. Pero kanina pa hindi parin ito bumababa.

Kaya naisipan nalang niyang akyatin ito. Umakyat siya at kinatok si Kyrene pero walang nagbukas o sumagot man lang. Pinihit niya ang door knob at binuksan.

Patay ang ilaw dito, He switches on the light, he saw Kyrene is lying on the bed in a deep sleep. He walks towards to the bed.

Umupo siya sa gilid ng kama ni Kyrene at pinagmasdan si Kyrene, may luhang kumawala sa gilid ng mata nito.

"Kyrene! Kain ka muna, gising ka muna." Niyugyog ito ni Khielve sa may balikat na nakukumutan, ulo lang ang nakalabas.

"Kyrene" Pinunas niya ang luha nito.

Pero paghawak niya naramdaman niya ang init ng mukha nito. Kaya hinawakan niya ang pisngi at noo nito.

"Shit! Nilalagnat siya, sobrang init." Sinalat din nito ang leeg niya, sobrang init talaga.

Tumayo si Khielve at bumababa. Kumuha nalang siya ng pagkain ni Kyrene.

"Manang pakuha naman po ako ng gamot sa lagnat, nilalagnat si Kyrene."

"Ganun ba!? Naku! Kahapon pa masama pikiramdam nun, nagpaulan pa ngayon." Kumuha si Mang Betty ng gamot at tinulungan na rin maghanda ng pagkain si Khielve.

"Ako na seniorito magdadala."

"Wag na po, ako na." Dinala ni Khielve ang pagkain sa taas.

Nilapag niya sa sidetable at muling umupo sa gilid ng kama.

"Kyrene gising na muna." Hinawakan nito ang mukha ni Kyrene,

"Bakit parang ang hina-hina mo ngayon?" Hinaplos niya ang mukha nito.

Ramdam niya ang init nito. Ginising niya uli ito puro ungol lang ang sagot nito. Huminga ng malalim si khielve at pinakatitigan itong mabuti.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon