Mag-dadalawang taon na simula ng mag kabalikan sila ni Khielve. Pagkatapos nilang mag kabalikan ni Khielve, naging maayos naman ang lahat sa naging relasyon nila, maayos na maayos actually. Sinadya pala talaga ng mga taga San Sebastian ang pag kikita nila sa probinsya, alam nila ang nangyari sa kanila ni Khielve dahil kay Ben, nalaman ni Ben mula kay Berting na nasa San Sebastian si Khielve, kaya sinabi nito kay Donya Clara. Kaya sinekreto nila Berting kay Khielve na kukunin nilang ninang si Kyrene, para masurpresa ang dalawa. And finally, after ng tagpo sa San Sebastian, lumingon na rin sa wakas ang lalaki sa panaginip niya, at si Khielve nga talaga ang lalaki sa panaginip niya.Mahimbing na natutulog si Kyrene, pero bigla siyang napadilat ng marinig ang boses ni Khielve.
"Happy birthday Señorita ko." Agad siyang napabalikwas at inikot ang paningin sa kwarto, pero wala siyang Khielve na nakita.
"I'm sorry if I can'be there with you on your special day." Nahagip ng mata niya ang isang recorder sa side table na may nakadikit na pink sticker paper, agad niya itong kinuha at pinakinggan ang voice recorded ni Khielve.
"I'm busy right now, but I promise, I'll make it up to you. Wag mag tampo señorita ko huh? I love you, I love you, I love you... just enjoy your day." End..
"Tss. Sweet, but this is not enough." Binasa niya ang sticker paper na nakadikit sa recorder.
[Kyrene honey, Khielve sent it to me last night, gawin ko daw alarm clock mo today. Gusto niya siya ang unang babati sa 'yo. Happy birthday baby. -mommy]
Binitawan niya ang recorder at humiga uli, nag talukbong siya ng comforter. She is now celebrating her 23th birthday.
"Nag-promise siyang uuwi ngayon eh, tapos voice recorded lang ipapadala.. kainis naman eh. One week na siyang hindi tumatawag." Pagmamaktol niya, isang buwan na kasing nasa states si Khielve, kasama nito ang mommy at daddy niya. Ayaw man nitong sumama hindi naman pwede dahil kailangan daw nitong um-attend ng business conference.
"Gising na birthday girl." Napa-aah! Siya ng bigla siyang daganan ni Bella, tinanggal niya ang comforter.
"Bella naman eh, ang bigat mo." Dito na rin naka-tira si Bella, pinag-aaral niya ito sa kursong tourism.
"Hey, hey, lazy birthday girl." Pumasok naman si Tricia at Jelian at katulad ng ginawa ni Bella, dinaganan din siya ng mga ito.
"Grabe ang bibigat niyo, mag-diet nga kayo." Nag-sitawanan lang ang tatlo.
"C'mon Kyrene, get up! Let's go out." Sabi ni Tricia sabay hatak sa comforter.
"Ayokong lumabas, tinatamad ako."
"Get up! Treat mo kami, birthday mo eh." Hinatak siya ni Jelian sa isang kamay, si Bella naman sa kabilang kamay.
"Ayoko ko nga, wala talaga ako sa mood."
"Lagi ka na lang wala sa mood ah." Hinawakan naman siya ni Tricia sa dalawang paa at binuhat siya ng tatlo.
"Pambihira naman kayo eh." Tawa ng tawa ang tatlo, binaba siya ng mga ito sa sahig sa tapat ng banyo.
"Take a bath na, gusto mo hubaran ka pa namin." Tumayo nalang siya.
"Oo na, kayo talaga, ang aga-aga pa kasi eh." Pumasok na lang siya sa banyo kahit ayaw niya.
"Maaga ka d'yan, 10 o'clock na." Sigaw ni Tricia.
***
Pagkatapos ng pamimilit sa kanya ng tatlo ito sila ngayon sa isang beauty salon. Mag-kakahilerang nakaupo, pag-katapos nilang kumain, inaya siya ng tatlo dito, kailangan daw kasi niyang mag-paganda dahil mukha na daw siyang haggard.