CHAPTER 38

156K 3.8K 134
                                    

________________________________

Kumakain si Khielve ng breakfast.

"Manang si Kyrene po anong oras pumapasok?" Tanong ni Khielve.

"Maaga po yun seniorito gumising, pababa na siguro yun." Tumango-tango lang si Khielve.

Kumakain siya ng breakfast sa mini dining room nila na malapit sa open kitchen nila.

Mas gusto niyang dito kumain pag magisa lang siya kesa sa dining room talaga nila.

"Kayo po seniorito ang aga niyo po ngayon ah."

"Ah..umm..Oho, maaga kasi ako papasok ngayon." Sabi ni Khielve.

Pero ang totoo hindi naman, ewan ba niya sa sarili niya kung bakit niya naisipan gumising ng maaga.

"Oh Kyrene gising ka na pala. Sabay ka na kay seniorito mag almusal." Natigil si Khielve sa pagsubo.

Tinitignan niya si Kyrene na papalapit sa gilid ng kanyang mata.

"Hindi na po Manang Betty. Magbabaon nalang po ako." Sagot ni Kyrene.

"Ang aga pa!" -Manang Betty

"Kailangan ko po kasing pumasok ng maaga." Gumawa lang ng sandwich si Kyrene at naglagay ng ulam at kanin sa tupper ware.

"Kyrene" Tawag ng driver sakanya na papalit sakanya.

"Bakit po"

"Hindi na kita ihahatid."

"Ah ganun po ba! Sige po magc'commute nalang ako."

"Hindi! May sundo ka kasi eh." Sabi ng Drive. Natigil si Khielve sa pagsubo na kanina pa nakikinig.

"Sundo po? Sino naman po?" Lumingon ang driver sa likod niya.

"Si sir Kenneth." Sabi nito sabay turo sa papalapit na si Kenneth na ngiting-ngiti.

Napatingin muna si Kenneth kay Khielve na nakaupo. Tsaka tumingin kay Kyrene.

"Hi Kyrene! Sabay na tayong pumasok." Nakangiting sabi nito.

"Talagang pumunta ka pa dito para isabay ako?" Tanong niya

"Oo, malapit lang naman ako dito, kaya dinaanan na kita."

"Uhm.. sige, tara." Kinuha niya ang bag niya.

"Una na po kami manang, manong, ate Inday."Paalam ni Kyrene sa mga katulong.

"Sige po una na po kami." Paalam naman ni Kenneth.

"Sige, ingat kayo." Sabi ni Manang Betty at umalis na.

Hindi sila nagpaalam kay Khielve, na ipinagtaka naman ng katulong nila. Dahil alam ng mga ito na magkaibigan si Kenneth at Khielve.

Tumayo na rin si Khielve pagkaalis ng dalawa at umakyat sa taas para kunin ang gamit.

"Sandali nga lang may problema ba si sir Kenneth at seniorito? Tsaka si Kyrene, bakit sinundo ni sir Kenneth? Magkakilala ba sila?" Takang tanong ng isang katulong.

"Siguro magkakilala sila. Kasi alam ko nagpunta din yun sa probinsiya, eh diba taga San Isidro si Kyrene. " Sabi ng manong driver nila.

****

Pagdating nila sa school, pinarada ni Kenneth ang sasakyan sa parking lot tsaka sila umibis ng sasakyan.

"Akin na gamit mo, ako na magdadala. Hahatid na kita sa building mo." Kinuha ni Kenneth ang gamit niya.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon