Special Chapter 2

200K 3.9K 461
                                    

"OMGEEE! This is gonna be so exciting!" Tili ni Tricia.

Nasa isang suite sila ng isang hotel sa San Isidro, kung saan ginaganap ang Bridal Shower para kay Kyrene. Halos nandoon ang lahat ng kaibigan niya sa San Isidro. At ang iba niyang college friend. Mas gusto nilang dito ganapin ang kanilang kasal kung saan sila unang nagkakilala at kung saan nagsimula ang kanilang wagas na pag-iibigan.

"Okay Kyrene, just sit here and wait for the big surprise." Si Tricia uli na hindi maitago ang sobrang excitement. Pinaupo siya nito sa isang silya.

Madilim ang silid at tanging blue dim light lang ang ilaw ng silid.

"Tricia, ano ba ang surprise na 'yan?" Tanong ni Kyrene na medyo kinakabahan dahil sa tili Tricia ay parang may na-se-sense siya kalokahan nitong gagawin.

"Tricia, make sure na walang macho dancer ah. Bilin ni Khielve 'yon." Inikutan lang siya ng mata nito.

"Don't worry, walang macho dancer. Just some hot and sexy male dancers," Tricia said and acted like a  roaring lion.

"Magagalit si Khielve!" Kyrene stamped her feet. Tinawanan lang siya ni Tricia. Lalo naman itong nagtititili ng may pumasok na tatlong lalaki na maydalang malaking-malaking regalo.

"Oh my God!" she muttered under her breath. Alam na niya kung ano ang laman ng huge present na iyan. Napapanood niya sa mga movie ang ganitong scene at sa isipang may malaking lalaking lalabas sa regalo na nakasuot ng kakapiranggot na makintab na trunks or thong. Diyos ko! kinikilabutan na siya ng husto.

Akmang tatayo si Kyrene pero muli siyang napaupo nang hawakan ng magkapatid na Yasmine at Jelian ang magkabilang balikat niya. Tiningala niya ang dalawa na nasa likod niya.

"Relax, twin sister," Yasmine said with a wink. Napabuntong hininga na lang siya. Nagsimulang pumailanlan sa buong silid ang isang musika. Napasentido na lang siya sa nakakakilabot na musika-- careless whisper. 

Lalong naghiyawan ang lahat sa biglang paglabas ng tatlong lalaki sa loob ng malaking regalo.  Nanglaki naman ang mata ni Kyrene sa nakikita. Half naked ang mga lalaki at may suot na bow-tie. Pero mabuti na lang at naka-jeans ang mga ito at hindi thong or tranks. Hindi rin naman mala-bouncer ang katawan. Malaki ang katawan pero sakto lang. Naka-maskara rin ang mga 'to.

The men started to dance. They're grinding like a macho dancer. Sandali! Macho dancer naman pala talaga ang mga 'to. Natakpan ni Kyrene ang sariling mga mata ng kanyang palad. Pero nakikita pa rin niya ang mga ito sa siwang sa pagitan ng mga daliri niya.  Halos manigas ang katawan ni Kyrene  nang paikutan siya ng tatlo at sayawan.. 

"Aahhhh! Tricia patigilin mo sila!" sigaw ni Kyrene dahil may pahawak-hawak pa sakanya ang tatlo.

"Waaahhhh! Ayoko naaa!" Kyrene screamed when a man suddenly sat on her lap. Tili naman nang tili ang mga babae. 

Natigilan ang lahat sa biglang pagpasok nila Khielve! Madilim na madilim ang mukha nito habang nakatingin kay Kyrene at sa lalaking nakaupo sa kanya. Inilang hakbang lang nito ang kinauupuan niya. At agad na hinaltak ang lalaki. Aambahan nito ng suntok ang lalaki pero maagap si Kyrene at agad itong inawat.

"Sabi na nga ba e! Ikaw Tricia kahit kailan ka!" singhal ni Khielve dito.

"Bakit ba kayo nandito!? Panira talaga kayo e." kung irita si Khielve mas irita si Tricia.

"Sino ba 'tong mga 'to?" untag ni Khielve at tinuro ang tatlong lalaki. Nagtanggal naman ng maskara ang tatlo.

"Migs, Jacob, Oscar!" Bulalas ni Kyrene.

"Anaknang! Kaya pala ayaw niyong um-attend sa Stag Party dahil nandito kayo! Ikaw Migs ah! Sabi ko na at may-"

"Khielve!" Saway ni Kyrene dito dahil sa mala-armalayt nitong bunganga. Si Migs din kasi ang nag-lap dance sa kanya kanina.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon