CHAPTER 54

144K 3.5K 239
                                    

Ang daming nakapila sa booth nila Khielve. Picture booth sakanila, magp'picture na kasama sila.

Katapat lang ng booth nila ang booth nila Kyrene. Marami din nakapilang lalaki sa booth nila Kyrene.

Hilera ang mga booth, kabilaan at may daan sa gitna at sa dulo may stage. Kung saan may mga instruments. Music club naman ang may ari no'n. Parang concert naman ang ginawa nila, pwede mag request ng song at kakantahin nila. Pwede rin naman ikaw mismo kakanta.

"Bro asan na sila Kyrene? Pipila ako d'yan pag dating ni Jelian para makahalik." Sabi ni Simon na ngiting-ngiti.

"Wala pa nga eh. Kanina ko pa tinatawagan hindi sinasagot." -Khielve

"Grabe ang mga suot, ganyan din kaya suot nila Tricia?" Tanong naman ni Zion.

"Si Kyrene sigurado hindi ganyan." Ang s'sexy kasi ng mga suot ng mga kasama ni Kyrene. Ang iiksi ng palda. Back less kung back less.. ang iba parang bra style lang.

"Gusto kong magp'picture kay Khielve." Sabi ng isang babae.

"Khielve sayo daw gusto magp'picture to." Sabi ng kasama nila.

"500" Sabi ng kasama nila sa babae.

"Ang mahal naman, may kiss ah." Sabay abot ng 500 ng babae sa kasama nila.

Lumapit si Khielve at inakbayan ang babae. Nagpicture sila at meron uli nagp'picture.

"Woah! Ang ganda nila Kyrene oh! Hanep ang s'sexy." Sabi ni Zion, Kakarating lang ng tatlo.

Tinignan ito ni Khielve at napangiti at biglang iniwan ang babaeng nagp'picture.

"Khielve"

"Sorry sa iba ka na magpicture." Tumakbo ito palapit kay Kyrene.

"Kyrene"

"Khielve" Hahalik sana si Khielve sa pisngi.

"Oppss! You can't Khielve,  may bayad ang kiss ngayon." Hinarang ni Tricia ang palad niya dito.

"Boyfriend ako Tricia."

"So.. money down. Shoot the target, then you'll get your price." Nilahad pa ni Tricia ang palad niya.

"Pambihira naman oh!" Napakamot si Khielve sa ulo.

"Magkano ba?"

"500"

"Ang mahal ah, pag sa bahay libre lang yan eh...Araaay!" Kinurot ni Kyrene si Khielve sa tagiliran.

"Kung ano-anong pinagsasasabi mo ah." Pinangdilatan ito ni Kyrene. Natawa lang ito kahit ang ibang nakarinig nagtawanan.

"Ang ganda mo. My warrior princess." Napangiti si Kyrene,  kilig na kilig naman ang mga nakakarinig dito.

Kumuha si Khielve ng 500 sa wallet at binigay kay Tricia. Pagkatapos ng isang tumira Kinuha agad ni Khielve ang bow kahit marami pang nakapila. Hindi rin nashoot ang target ng huling tumira.

"Hoy Khielve, pumila ka nga, nauna kami." Nagsmirk lang si Khielve dito.

"Babes, Be ready." Sabi ni Khielve kay Kyrene at kumindat pa.

"Oh my Kyrene! You're so lucky." Niyug-yog siya ng isang member ng club na kilig ng kilig. Umirap naman si Yasmine dito.

"Ahahaha!" Everyone burst laughter. Hindi tinamaan ni Khielve ang apple.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon