CHAPTER 27

132K 3.4K 128
                                    


Sa mga hindi pa po nakakabasa ng [I'm In Love With You Heartbreaker] try niyo po basahin. Thanks!!

______________________________

Tinawagan ni Khielve si Kyrene at this time sinagot na ito ni Kyrene. Hindi pa man si Kyrene nakakatapos sa pag 'hello' susunod-sunod na ang tanong niya.

"God Kyrene! Where are you? Kanina pa ako nag-aalala sayo. Bakit ngayon mo lang sinagot ang telepono mo?" Sunod-sunod na sabi ni Khielve. Na alalang-alala.

"Khielve sorry! May pinuntahan lang ako, pero pabalik na ako. 30 minutes nandiyan na ako, magkita nalang tayo sa garden."

"Asan ka ba kasi?"

"Kyrene ikaw na muna maligo." He overhears on the background.

"Khielve" toot toot... yun nalang ang narinig niyang sabi ni Kyrene at namatay o pinatay.  Pero Natigilan si Khielve sa narinig niya.

"Kenneth" Anas niya.

["Kyrene ikaw na muna maligo."] Umaalingaw- angaw sa utak niya ang narinig niya.

"Si Kenneth yun! Asan kayo?" Paanas niyang sabi.

"Bro ano? Nakausap mo na si Kyrene?" Tumingin si Khielve kay Simon at tumango lang siya.

"Asan daw siya?"

"Papunta na." Wala sa sariling sabi niya. Kumuha siya ng alak sa waiter na dumaan at iniwan si Simon.

Pumunta siya sa may gilid sa may puno. Narinig nalang niyang nagsalita ang lola niya.

"Good evening ladies and gentlemen, we'd like to thank all of you for being here tonight, tonight is  my grandson's 19th birthday. I'm gonna take this chance to introduce my one in only grandson, Khielve John Montillo.... Khielve apo come over here." Tawag ng donya sakanya.

Lumapit naman siya at binaba ang baso na wala ng laman sa isang try na dala ng waiter.

Pumunta siya sa unahan.

"You wanna say something apo?" Tanong ng donya sakanya. Kinuha naman nito ang mic.

"Good evening everyone!  I'd like to thank you all for coming. Enjoy the night. Again thank you." Simpleng sabi niya pero halata dito ang pagkabalisa. Humalis siya at kumuha uli ng alak.

Habang nakatingin siya sa kawalan at nagiisip biglang lumapit sa kanya si Monique.

"Hi Khielve" Bati ni Monique. Hindi ito nilingon ni Khielve.

"Himala wala si Kyrene." Sabi ni Monique pero hindi parin ito sumagot. Bigla naman lumapit si Zion.

"Bro. Hindi ka parin ba kinokontak ni Kenneth?" Tanong ni Zion. Umiling lang si Khielve.

"Asan na kaya yung gago na yun?" Naf'frustrate na si Zion. Umalis uli si Zion at naiwan ang dalawa.

"Wala rin pala si Kenneth. I saw him with Kyrene this morning." Doon napa-lingon si Khielve.

"What did you just say?"

"I saw them. Sa bayan. Nakita ko sumakay si Kyrene sa kotse ni Kenneth." Nagtiim ang bagang ni Khielve sa narinig at na napahawak siya ng madiin sa basong hawak niya.

"Hi Khielve." Lumapit naman si Yasmine dito. Taas kilay itong tinignan ni Monique.

"Nag uusap kami. Don't you see?" Taas kilay na sabi ni Monique.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon