CHAPTER 63

127K 2.9K 143
                                    

Nasa kwarto si Kyrene, halos hindi na rin siya palabas ng silid niya. Biglang pumasok si Jelian.

"Kyrene si Khielve nandito." Agad na sabi ni Jelian na parang taranta.

"Huh!?"

"Nand'on sa labas, silipin mo sa terrace." Agad na tumayo si Kyrene at patakbong nagpunta ng terrace.

Malakas ang ulan at nakita niya si Khielve sa gilid ng kotse nito na nakaparada sa tapat ng gate nila, sigaw ng sigaw at tinatawag ang pangalan niya, nakikiusap na kung pwede siyang makausap.

Parang dinudurog ang puso niya sa nakikita niya. Agad siyang tumalima at mabilis na lumabas ng kwarto. Patakbo siyang bumababa, nakita niyang nasa baba ang lola niya nakaupo lang, pati ang ibang katulong pasilip-silip sa labas.

Tumakbo siya papunta sa pinto.

"Kyrene!" Tawag sakanya ng lola niya.

"Lola kakausapin ko lang po si Khielve." Pakiusap ni Kyrene.

"No! You'll stay, hayaan mo siya. Sinabihan na siya pero ayaw parin niyang umalis."

"Lola! Nakikiusap po ako, papauwiin ko lang siya." Pakiusap niya uli.

"Wag mo ngang payagan yan lola, kapag ginawa mo yun, yan ang gagawin n'yan lagi para makapag usap sila." Sabat naman ni Yasmine mula sa likod ni Kyrene,  nilingon ito ni Kyrene pero muling tumingin sa donya.

"Lola, please po."

"Sige na Kyrene, labasin mo na si Khielve." Muli siyang tumingin sa likod niya.

"Salamat po daddy." Agad siyang tumakbo sa pinto at mabilis naman siyang inabutan ng payong ng katulong na nasa may pinto.

"Salamat po ate Sally." Ngumiti lang ito sakanya. Patakbo siyang nagpunta ng gate at agad na binuksan.

"Kyrene" Agad siyang sinalubong ni Khielve.

"Khielve ano bang ginagawa mo? Magkakasakit ka niyan eh." Hinawakan ni Kyrene ang kabilang pisngi nito habang hawak niya ang payong sa isang kamay at nagsukob sila.

"Kyrene miss na miss na kita eh." Hinawakan din nito ang mukha niya.

"Kyrene hirap na hirap na ako, hindi ko na kaya ang ganito." Humalo sa tubig ang luhang pumatak sa mata ni Khielve. Niyakap siya ni Khielve, basang basa ito kaya ngayon nabasa na rin siya. Niyakap din niya ito.

"I'm sorry Khielve kung nahihirapan ka ng ganito. Pero gagawin ko lahat para maging maayos ang lahat, pangako." Naiyak na rin si Kyrene.

"Kyrene, sumama ka nalang sakin, lumayo tayo dito. Magtanan tayo, yung malayo sa lahat, yung tayong dalawa lang." Nagulat si Kyrene sa sinabi nito. Kumalas ng yakap si Khielve at muling hinawakan ang mukha niya.

"Tara na Kyrene, sumama ka sakin." Umiling si Kyrene.

"Hindi. maaayos 'to, pangako. Hindi natin kailangan magtanan." Dinikit ni Khielve ang noo sa noo ni Kyrene.  Hindi na niya napigil ang luha na pumatak na naman sa mata niya.

Ngayon lang siya nakaramdam ng takot, hindi niya kaya ang ganito, hindi niya kakayanin kung mawawala sakanya si Kyrene.

"Mahal na mahal kita, hindi ko kakayanin kung mawawala ka." Halos magkadikit ang labi nila habang nagsasalita.

"Hindi ako mawawala, nangako ako diba? Ipaglalaban kita." Hinalikan siya ni Khielve sa labi. Madiin na madiin na halik na tinugon naman ni Kyrene. Tumigil ito sa paghalik.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon