CHAPTER 31

143K 3.3K 47
                                    


Sa mga nag request ng update, ito na po! Hope you'll vote this chapter thanks

________________________________

"Kyrene" Natigilan siya at unti-unting tumingin sa nagsalita. Napanga-nga siya sa nakita.

"Ikaw!" Anas ni Kyrene.

"Kyrene! Ikaw nga." Bigla nalang siya nito niyakap.

"Anong ginagawa mo dito? Namiss kita Kyrene." Pero hindi nag sasalita si Kyrene. Lumayo ito sa pagkakayakap sakanya.

"Kyrene! Kumusta?"

"Bakit hindi ka nagsasalita? Anong ginagawa mo dito?"

"Huh?! Ikaw ba talaga yan Kenneth? Anong ginagawa mo dito?" Hindi parin siya makapaniwala.

"Dito ako nag aaral. Ikaw?" Nakangiting sabi nito.

"Dito na rin ako nag aaral."

"Talaga!? Totoo?"

"Aaayy!! Kenneth ano ba?" Binuhat siya ni Kenneth at inikot.

"Sorry sorry!  Hindi lang kasi ako makapaniwala." Binaba uli siya nito.

"Oh my gosh! Magkakilala sila ni Kenneth John Garcia?"

"Oh my god! That promdi girl." Yung tatlong impakta nakatingin sakanila at hindi lang ang tatlo, halos lahat ng nandudon sakanila nakatingin.

Too bad to Kyrene because she caught the attention of some girls population who admiring and drooling over Kenneth.

Kung kanina tinitignan siya ng mga ito dahil sa porma niya, ngayon nakatingin sakanya na parang gusto siyang ibaon sa kinatatayuan niya.

"Paanong dito ka na?" Tanong ni Kenneth.

"Hay sandali nga muna." Pinulot niya muna ang mga libro niya at tinulungan siya ni Kenneth.

"Akin na yan ako na magdadala." Sabi ni Kenneth at kinuha ang mga libro niya.

"San ka ba pupunta ngayon?"

"Sa cafeteria sana eh."

"Tara sabay na tayo." Naglakad na sila papunta sa cafeteria.

"Kenneth sandali, dito ka nagaaral, sila Zion, Simon at  Khielve dito din?"

"Oo, pati si Tricia, halika matutuwa yung mga yun pagnakita ka." Natigil sa paglalakad si Kyrene. Huminto rin si Kenneth.

"May problema ba?"

"Nandun si Khielve? "

"Sigurado nandun yun." Sagot ni Kenneth.

"Kenneth pwede bang sa iba nalang tayo, o kaya umm.. punta ka na dun, mamaya nalang tayo magusap, mag lunch kana muna."

"Bakit? Ayaw mo ba silang makita?"

"Hindi naman! Kasi....." hindi niya masabi na iniiwasan niya si Khielve.  Mukhang nakaramdam naman si Kenneth.

"Sige sa iba nalang tayo. Tara, may kainan dito, dun tayo." Ngumiti si Kyrene dito at naglakad na uli sila.

Habang naglalakad sila ang daming niyang naririnig na sinasabi ng mga studyante.

"Hay Kenneth ganyan ka talaga ka sikat? Kung hindi lang masama pumatay, siguradong kanina pa ako nakahandusay dito eh." Sabi ni Kyrene.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon