CHAPTER 41

160K 3.7K 488
                                    

"Hala tanghali na. Kainis naman eh!naku naku. Bakit kasi kailangan ko pa mag change outfit. Kung hindi lang nakakahiya kay Tricia eh." Hindi magkandaugaga si Kyrene sa pagmamadali, medyo na late siya ng gising, kakatapos ng portfolio niya.

Ngayon niya na kasi ipapasa yun, iyak pa siya ng iyak kagabi. Ang sama pa ng pakiramdam niya. Feeling niya lalagnatin siya.

"Buti hindi masyado mugto ang mata ko. Okay! Ilulugay ko nalang ang buhok ko. Kunting liptint." Naglagay siya ng lip tint.

"blush on." Naglagay siya ng blush on.

Marunong naman siya sa make up, kasama yun sa napagaralan nila sa probinsya, cosmetic at tailoring.

Kahit pagkulot at pagupit ng buhok tinuro din  sakanila, pero hindi naman ganun kagaling hindi naman siya passionate sa ganun eh. Hindi niya pinagtuunan ng pansin.

"Eyeliner....Ouch! Haist! Ang tanga naman oh!" Nasundot niya ang mata niya.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Hassle talaga ang mga ganitong pag aayos eh... last one, mascara....Okay na to!" Tumayo siya at pinagmasdan ang kabuuan.

"Wow! Infairness, bagay pala sakin ang ganito, mukha akong bata. Ahaha!" Nagmumukha kasi siyang manang sa suot niya.

She is wearing baby pink peplum top, white mini fitted skirt and glittery doll shoes. At mahabang fashion necklace na bigay din ni Tricia. Nakalugay ang mahabang buhok. Kinuha niya ang white bag sa kama.

"Ang bait ni Tricia, may bag pa." Lumabas si Kyrene. Nagmamadaling lumabas at bumaba ng hagdan. Dumiretso siya ng kusina para kumuha ng baon.

"Oh Kyrene! Wow! Ang ganda mo." Manghang sabi ni manang Betty.

"Manang talaga, pero salamat." Nakangiting sabi niya.

"Totoo ang ganda mo! Pero nandito ka pa pala? Akala ko wala ka na. Tinatanong kasi ni Seniorito eh."

"Nalate po ako ng gising eh. Sige po manang una na ako." Pagkakuha niya ng baon niya agad na siyang lumabas.

"Oh Kyrene! Akala ko umalis ka na. Wow ang ganda mo." Sabi ng driver na nakaupo sa labas at nagkakape.

"Salamat po. Nalate po ako ng gising."

"Ganun ba? Tara na, hatid na kita." Tumakbo lang ang driver sa loob para ilagay ang mug.

Pumasok naman si Kyrene sa van. Pagbalik ng driver agad naman ito pinaandar. after 15 minutes, narating nila ang school.

"Sige po manong. Salamat po." Agad na lumabas si Kyrene. Ang dami ng tao, first time niyang pumasok ng ganitong oras.

Pumasok siya ng campus na medyo nag mamadali sa paglalakad dahil alam niyang nandun na si Ms. Belinda, s'submit pa niya ang portfolio niya.

"Hi Kyrene! You look different today." May lalaking tumabi sakanya sa paglalakad.

"Hindi na ako baduy?" Nakangiting tanong niya.

Hindi na rin siya nagtataka na kilala siya nito, nadamay na siya sa kasikatan nila Khielve plus Tricia na popular din sa school.

"You're not baduy! Just a conservative. But now, you look gorgeous and fashionable, but still, not revealing." Napangiti nalang si Kyrene, bolero lang ba to? - sa isip niya.

"Salamat"

"Hatid na kita." He offered

"Wag na, hindi naman kita kilala."

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon