CHAPTER 14

203K 4.6K 426
                                    

Nasa bukid ang lahat. Sa gitna ng bukid meron cottage na gawa sa kawayan at may malaking puno ng mangga. Kaya kahit mainit dito presko dahil sa hangin at sa lilim ng puno.

Bahagi lang ito ng lupain ng mga Montillo. Ito ang bahaging binigay sa pamilya ni Kyrene ni Donya Clara. Halos ang natatanaw na palayan ay sa mga Montillo. Ang katabi naman na lupain ay sa mga Brizalde.

Nilagay ni Khielve ang Photograpic tripod niya at ang camera. Kinukunan niya ng best shot ang mga ibon sa bukid. May nakuhanan siyang ibon na papalipad palang.

"Ang ganda! Ang galing mo." Bulalas ni Kyrene habang nakatingin sa camera ni Khielve na nasa tripod. Nakahawak pa siya sa balikat nito na halos magkalapit na ang pisngi nila.

"Maganda ba?" Tanong ni Khielve na nakatingin sa camera niya.

"Oo ang ganda! Ang galing mo naman." Sabi ni Kyrene na nakatingin parin sa camera. Lumingon sa kanya si Khielve.

"Ang ganda." Anas ni Khielve habang nakatingin kay Kyrene. Lumingon din sa kanya si Kyrene. Kaya nagkatinginan sila ni Kyrene na malapit ang mukha. Ngumiti sa kanya si Kyrene.

"Halika na." Aya sa kanya ni Kyrene. Pumunta si Kyrene sa cottage at umupo. Nandun silang lahat pati ang kuya niya na kausap si Tricia. Sumunod naman sa kanya si Khielve.

"Tara kain na tayo." Aya ni Bella.

"Oh! Si Monique yun diba?" Sabi ng kuya Javier ni Kyrene. Papunta ito sa kanila. Nakapayong ito kasama ang nanay ni Kyrene.

"Yung girlfriend mo seniorito."Sabi ni Kyrene habang nakatanaw sa paparating na si Monique. Lumingon naman si Khielve dito.

"Hi everyone!" Bati ni Monique nang makarating ito.

"Ano naman ang ginagawa mo dito?" Tanong ni Bella dito. Pero hindi siya nito pinansin.

"Hi Khielve! Galing ako sa hacienda niyo. Sabi nandito ka daw kaya nagpunta ako." Bati nito kay Khielve. Nginitian naman niya ito. Umupo si Khielve sa cottage.

"Upo ka na Monique. Kumain ka na rin." Sabi ng Nanay Belen.

"Okay po. Thank you." Sabi nito at umupo sa tabi ni Khielve.

"Ow! Ang bait, parang totoo." Maarteng sabi ni Bella.

"Bella!" Saway ni Nanay Belen sa mahinahon na boses.

"I'm sorry mum! I'm just carried away!" Maarteng sabi nito.

"Ahahahaha!" Tawanan ang lahat sa sinabi nito.

"Wala ka na bang ibang tinuro diyan Tricia kundi I'm just carried away." Natatawang tanong ni Kyrene. Kahit ang nanay ni Kyrene natawa din dito.

"Sige na kumain na kayo. Pupuntahan ko muna ang tatay niyo mga anak. " Sabi ng nanay niya. Tumango lang sila at umalis na uli ang nanay niya.

Nakaupo si Khielve kaharap si Kyrene katabi nito si Monique. Katabi naman ni Kyrene si Kenneth at sila Zion. Nagsimula nga silang kumain. Nagkamay sila Kyrene at Bella, pati ang kuya niya.

"Mas masarap pag nagkamay ka." Sabi ni Kyrene kay Kenneth. 

"Talaga! Sige subukan ko." Tinabi ni Kenneth ang kutsara. Naghugas muna ito ng kamay at sinubukan magkamay.

"Ahaha! Hindi ka naman marunong eh." natatawang wika ni Kyrene. Hindi kasi ito marunong ng tamang magkuha ng kanin gamit ang kamay. Tinuruan ito ni Kyrene. Nakuha naman nito.

"Okay nga no! Ang sarap nga." Sabi ni Kenneth. Nag kamay na rin si Zion At Simon. Pati si Tricia nakigaya na din.

"Ikaw seniorito ayaw mo magkamay?" Tanong ni Kyrene.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon