CHAPTER 6

210K 4.5K 187
                                    

"Oh Khielve apo, akala ko aalis kayo ni Kyrene uli."

"Opo lola, inaantay ko nga eh." Sagot niya.

Babaeng yun talaga oh. Abuso na yun ah. Papasundo na naman.

"Haist! Puntahan ko nalang lola." Sabi niya at tumayo. Humalik nalang siya lola niya at lumabas na.

Sumakay siya ng kotse niya at agad na pinaharurot palabas ng hacienda. Narating naman agad niya ang bahay nila Kyrene.

"Hello po, nandiyan po si Kyrene?" Tanong nito. Pagpasok sa bakuran nila Kyrene.

"Ay seniorito ikaw pala, halika pasok ka. Siya nga pala ito ang asawa ko si Benito, at panganay ko, si Javier." Sabi ni aling Belen.

"Magandang umaga seniorito. Napasyal po kayo." Tanong ng ni mang Benito.

"Magandang umaga din po." Ganting bati niya.

"May usapan ba kayo ni Kyrene seniorito?"Tanong ni aling Belen.

"Ah. Upo sana. Si lola po kasi kay Kyrene daw ako magpasama mamasyal."Sabi niya.

"Ganun ba! Wala kasi siya dito. Kasama ni Bella, pupunta daw sila sa may covered court."

"Ganun po ba. Malayo po ba yun?"Tanong niya.

"Hindi naman seniorito. Malapit lang yun, malapit lang sa may eskwelahan."

"Sige po, puntahan ko nalang po." Sabi niya at ngumiti.

"Sige seniorito." Yun lang at umalis na si Khielve.

"Babaeng yun talaga ah. Akala niya matatakasan niya ako." He muttered as he walks toward the car.

****

"Diba may usapan kayo ni Khielve?  Bakit mo ako inaya?" Tanong ni Bella habang naglalakad sila papuntang covered court. Para manood ng mga gumagawa ng benderitas.

"Kaya nga ako umalis eh. Para tumakas."

"Sabihin mo kaya kay Donya Clara na ako nalang sumama kay Khielve mamasyal." Tinignan niya ang kaibigan niya.

"Sige sabihin ko." Sabi nalang niya.

"Hoy Kyrene! halika." Tawag ng isang babae sakanya. Nasa covered court na sila.

Lumapit sila sa nagkukumpulan. Mga sk council at ibang kagawad ng lugar nila. Busy ang mga ito sa papalapit na santacruzan.

"Kyrene,  baka naman pwedeng ikaw magdesign ng gown ko. Isusuot ko sa sagala, para mapatahi ko na." Pakiusap ng isang babae.

"Oo ba, sige. Mamaya gagawin ko.... uhmm... Ano ba bagay sayo?" Pinagmasdan niya ito.

"Okay ako bahala. Gagawa kita." Sabi ni Kyrene.

"Salamat Kyrene. Alam mo Kyrene dapat talaga mag aral ka ng fashion designer eh. Sigurado sisikat ka." Sabi nito.

"Hayaan mo, pag nagka pera kami magaaral ako." Sabi ni Kyrene.

Hilig niya ang pagd'desinyo ng mga damit. Nag aaral siya isang school sa probinsya nila. Pero certificate lang ang binibigay doon. Hindi talaga yun skwelahan na may mga course.  Ang tinuturo doon cosmetic at tailoring lang talaga. Parang experience lang.

"Kyrene ikaw nalang Reyna Elena. Ililista na kita ah." Sabi ng isang councilor.

"Oo sige. Siya na, siya na. Siya na ang Reyna Elena." Excited na excited na sabi ni Bella.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon