CHAPTER 29

135K 3.2K 169
                                    

"Khielve where are you going?  Hindi mo ba kami ihahatid sa airport?" Tanong ng mommy niya kay Khielve.

"Mom may lakad ako. Happy safe trip nalang po." Humalik si Khielve sa pisngi ng mommy niya.

"Saan ka na naman pupunta? Umaga ka naman uuwi. God! Khielve,  I thought you've changed. Anak naman what's wrong ba kasi, anong nangyari sainyo ni Kyrene?"

"Mom please! Sige na bye, ingat." Yumakap siya sa mommy niya at umalis na.

Kinuha ng mommy niya ang cellphone ng tumunog ito at sinagot.

"Hello mama."

"Hello Bettina, kumusta?"

"I'm fine mama! We're all fine. Napatawag po kayo?" Mrs. Bettina asks.

"Actually may sasabihin ako sayo, si Kyrene binigyan ko ng scholarship para makapagaral sa KY University." Donya Clara says.

"Really mama! That's good."

"And one more thing,  diyan ko siya papatuluyin. Is it okay with you?"

"Yes of course mama! That's great, I think matutuwa si Khielve niyan. Bumalik na naman siya dati niyang gawain, laging umagang umuuwi." Naiiling na sabi ni Mrs. Bettina.

"Really! Pero may pakiusap si Kyrene,  gusto niyang maging katulong diyan kung diyan siya titira at ayaw niyang malaman ni Khielve na nandiyan siya." Donya explained.

"What? But why? Imposible naman hindi ni Khielve malaman yun, nasa iisang bahay lang sila."

"Hayaan mo na silang magtaguan, hayaan mo silang  makita ang isa't-isa. Those kids are a little bit weird and crazy, ahahaha! Mga kabataan talaga." Natawang sabi ng Donya.

"Okay mama! Kelan ba dating niya? Flight namin ngayon, one month kami sa states for the business trip and for honeymoon as well. Ahaha!" Natawa siya sa sarili ng niyang sinabi.

"Oh really! that's good to hear, that's so sweet. Bukas ang dating niya."

"Okay mama ibibilin ko nalang siya sa mga katulong dito,  I have to go na mama, nandito na  si Henry, aalis na kami."

"Okay! Mag iingat kayo." Yun lang at binababa na niya ang phone.

"Ready hon?" Mr. Henry asks habang pababa ito ng hagadan.

"Yeah!... Manang halika." Lumapit naman agad ang katulong dito.

"Ma'am bakit po?"

"Manang, may darating dito bukas. Si Kyrene,  kayo na ang bahala sakanya. Ayusin mo ang guest room sa taas dun sa may left side. Yun ang magiging kwarto niya and pag gusto niyang tumulong sa gawain bahay, bigyan mo lang siya ng mga light household chores. Okay?" Mahabang paliwanag ni Mrs Bettina.

"Okay po ma'am."

****

"Anak mamimiss kita!" Sabi ng nanay niya sabay yakap kay Kyrene. Umiiyak ito.

"Nanay ako din mamimiss kita, wag ka na po umiiyak. Naiiyak na ako eh." Sabi namam ni Kyrene na naiiyak na rin.

"Ate sama nalang kami." Sabi ni Ella na nakayakap sa hita ni Kyrene. 

Humiwalay ng yakap si Kyrene at humarap sa kapatid, niyakap niya ito.

"Wag na iyak bubwit! Saglit lang si ate, pag wala ng school si ate uuwi ako agad." Sabi ni Kyrene habang nakayakap sa kapatid.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon