This is it! The final chapter! Update ko na 'to at baka abutan pa ako ng bagyo mawalan na naman ako ng net. Connection. Nyahaha!
Maybe this is not the best story to proud of, but I'm proud that I've done it well all by myself. Naitawid ko din sa wakas. Sa loob ng limang buwan.. Enjoy reading guys! But this is not the ending, may epilogue pa.
________________________________Umuwi si Kyrene na mabigat ang kalooban, pakiramdam niya pinag-taksilan niya si Kenneth, maliban don, sobra-sobra siyang nasasaktan dahil sa isipang wala na talaga silang pag-asa ni Khielve.
Tanggap na niya ang kapalaran nila noon, naging masaya siya kay Kenneth, pero ngayong nag-cross uli ang landas nila, doon niya napatunayan na sobra-sobra pa rin niya itong mahal.
Nakayuko siyang naglalakad habang papasok sa mansiyon.
"Hon" Napaangat siya ng ulo ng marinig ang pag-tawag sa kanya ni Kenneth.
"Kenneth!" Anas niya, lalo siyang nakaramdam ng guilt. Lumapit ito sa kanya at agad siyang niyakap, ginantihan niya ito ng mahigpit na yakap.
"Halika sa kwarto, mag-usap tayo." Sabi niya dito.
"Hindi pa ako handa sa ganyang bagay, pakasalan mo muna ako." Natawa siya ng mahina sa sinabi ni Kenneth.
Pero mararamdaman sa pag tawa nito ang lungkot, isang malungkot na tawa. Kumalas sila ng yakap tsaka mag-kahawak kamay na umakyat. Pumasok sila sa kwarto ni Kyrene at magkatabing umupo sa kama. Hinawakan ni Kyrene ang kabilang pisngi ni Kenneth.
"May problema ba?" Tanong ni Kenneth.
"May dapat kang malaman." Hindi umimik si Kenneth. Bigla naman nangilid ang luha niya.
"I'm sorry" Hindi na niya na pigilan, napahagulgol na siya.
"Hey, what's wrong?" Agad na hinawakan ni Kenneth ang mukha niya, humawak si Kyrene sa wrist nito.
"Kenneth, I'm sorry, I'm so sorry." Sabi niya sa pagitan ng mga iyak niya.
"Sorry for what?"
"He kissed me." Hindi umimik si Kenneth, mukhang alam na niya ang gusto nitong sabihin.
"I'm sorry Kenneth,.... I kissed him back.... I kissed him back. I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry." Niyakap siya ni Kenneth.
"Sssh! Tahan na, it's okay, it's okay." Parang lalo siyang na-guilty sa sagot ni Kenneth.
"Do you still love him?" Tanong ni Kenneth.
"I tried to avoid him, god knows how I tried, I'm sorry.... I promise hindi na mauulit, iiwas na ako sa kanya." Kumalas si Kenneth ng yakap sa kanya at pinahid ang mga luha niya.
"You can't avoid him, because you still love him."
"Mahal kita, maniwala ka mahal kita."
"But you love him, more than you love me." Hinawakan ni Kyrene magkabilang pisngi ni Kenneth.
"Kaya din kitang mahalin higit pa sa pag-mamahal ko sa kanya. In time, just in time, kung gusto mo bumalik tayo ng London. Diba gusto mo na akong pakasalan, let's get married, pumapayag na ako." Hinawakan ni Kenneth ang dalawang kamay at kinulong sa mga palad nito.
"May hindi ako sinabi sa 'yo." Hindi umimik si Kyrene.
"Pinuntahan ka niya sa London." Naguluhan bigla si Kyrene sa sinabi nito, nag-antay siya ng susunod pa nitong sasabihin.