CHAPTER 69

135K 3.2K 107
                                    

Brizalde's Mansion:

"Yas can we talk?" Lumapit si Ms. Margarita sa kama at umupo sa tabi nito.

"Nag withdraw ka? Anong ginawa mo sa pera?" Tanong nito.

"Mom pera ko naman yun." Sagot nito.

"I know, pero malaki ang withdrawal mo, at isang withdraw-han. May binili ka ba?"

"Mom, si Kyrene nalang po muna ang asikasuhin mo. Do something para mahanap mo siya." Sagot nito, ang totoo ginamit niya ang pera para sa dna test niya. N'ong malaman niya ang tungkol sa birthmark, minabuti niyang mag pa-dna.

"Hindi ko na alam kung saan hahanapin ang kaptid mo." Naluluha na naman ito.

Halos napuntahan na nila lahat na pwede nitong puntahan pero hindi talaga nila makita. Kahit sa San Isidro nagpunta na sila. Ayaw naman nilang ipa televise pa.

******
San Sebastian:

Ilang araw na rin sila sa San Sebastian, masaya sila ni Khielve, walang kahit kaunting pagsisisi silang nararamdaman. Hindi rin pinaka cut ang atm card ni Khielve, kahit credit card. Hindi rin naman si Kyrene gumagastos dahil si Khielve ang halos gumagastos, yun ang gusto ni Khielve.

Pero matipid naman sila, lalo si Kyrene na madalas na gulay ang niluluto na binibigay lang sakanila. Madalas din binibigyan sila ng mga lutong ulam ng kapit bahay nila.

"Ate Kyrene, halika mag pitas tayo ng gulay." Masiglang tawag sakanya ni Beng-Beng. Lumapit naman siya sa mga ito.

"Pa'ano po ba nalalaman pag pwede nang pitasin?" Tanong niya.

"Madali lang, sa gulay naman kasi mas madaling anihin kesa sa prutas. Ito kahit mura pa pwedeng anihin, mas masarap nga ang gulay pag mura pa kesa magulang na." Paliwanag ng matandang babae.

"Halika Kyrene. Subukan mo." Aya sakanya ni Marissa. Natuwa naman si Kyrene kaya agad na lumapit.

"Pwede po ba?" Tanong niya.

"Oo naman sige, magpitas ka d'yan." -Marissa.

Maraming upo ang nakabitin. May mga sitaw din sa kabilang bahagi. Sinimulan ni Kyrene ang pagpitas ng upo.

"Wow! Ang saya pala nito. Parang mas madali 'to kesa mag ani ng palay." Tuwang-tuwa niyang sabi habang hawak ang isang katamtamang laki ng upo.

"Oo naman, mahirap ang mag ani ng palay." Nawala ang ngiti niya ng biglang maalala ang mga magulang niya.

Pero winaksi din niya agad at ngumiti at muling pumitas ng gulay, tumingkayad siya para abutin ang medyo mataas na nakabitin na upó.

"Hi" Nilingon niya ang bumati sakanya mula sa likuran niya.

"Ikaw pala Migs." Ngumiti siya dito, maong na kupas  ang tanging suot nito, walang pang-itaas

Lumapit ito at ito ang pumitas sa upó na pipitasin niya sana,  binagay ni Migs sakanya ang napitas na upó.

"Salamat."  Kinuha niya at nilagay sa malaking basket.

"Kumusta ang paa mo?"

"Ayos na, pwede ng itakbo." Ngumiti ito at kitang-kita ang mapuputi at pantay na pantay na mga ngipin nito.

"Kayo pala may ari nito no?"

"Hindi, ang lola ko." Sagot nito.

"Kayo, bakit nga pala kayo nandito? Taga saan talaga kayo?"

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon