CHAPTER 60

138K 3.1K 136
                                    

Principles office:

"Khielve, pinatawag kita dito kasi may gusto ako sabihin sayo." Umpisa ni Donya Solidad.

"Ano po yun Donya Solidad?" Magalang na tanong ni Khielve. Nakaupo siya tapat ng desk nito.

"Si Kyrene at Yasmine,  matagal-tagal na rin silang mag kasama sa bahay. Pero walang pagbabago, parang aso't pusa. Umaabot pa sa puntong nagkakasakitan ang dalawa."

"Sigurado po akong hindi si Kyrene ang nagsisimula ng gulo." -Khielve

"Si Yasmine man o si Kyrene ang nagsisimula  ng gulo, it's not the point.  The point is kung  ano ang pinag aawayan nila lagi."

"Dahil po hindi ni Yasmine tanggap si Kyrene bilang kapatid." -Khielve

"No! Because of you." Naguluhan si Khielve.

"Hindi mo ba talaga alam? Yasmine really likes you or loves you. Kaya hindi magkasundo ang dalawa dahil sayo. Mahal ka ng mga apo ko." Hindi niya alam na siya ang pinag aawayan ng dalawa, wala rin sinasabi si Kyrene tungkol do'n.

"Khielve, I like you, mabuti kang bata. Galing sa mabuting pamilya, apo ka ng matalik kong kaibigan. Pero ayaw kong tuluyang hindi na magkaayos ang dalawa ng dahil sayo." Medyo kinabahan si Khielve sa pahayag ni Donya Solidad. He's hoping na mali ang naiisip niyang patutunguhan ng usapan nila.

"Please Khielve. Give them a break, wag mong hayaan masira sila."

"Hindi ko po maintindihan." Huminga ng malalim si Donya Solidad.

"Layuan mo muna si Kyrene." Napakuyom ng palad si Khielve sa narinig. Ito na nga ba ang iniisip niya.

"Ikaw ang kinausap ko, dahil alam kong hindi rin papayag si Kyrene. Please hijo, I'm begging you. Gusto ko ng mag kaayos ang dalawa." Pagsusumamo ni Donya Solidad. Umiling-iling si Khielve.

"I'm sorry Donya Solidad, but I can't do that. Mahal na mahal ko po si Kyrene." Sumeryoso lalo ang mukha ng donya.

"Kung wala na po kayong sasabihin, aalis na po ako. Excuse me po." Tumayo si Khielve at lumabas.

Nagpunta siya sa building ni Kyrene. Parang ang mabigat ng paa niya na halos parang hindi niya maihakbang, kasing bigat ng dibdib niya. May pakiramdam siyang magkakaproblema sila ni Kyrene.

Hindi niya namalayan na nasa tapat na pala siya ng classroom ni Kyrene. He leaned his back against the wall with his right foot behind him leaning it against the wall and close his eyes.

Bigla niyang naalala ang mga sinabi ni Donya Solidad. Habang nasa malalim siyang pagiisip, bigla niyang naramdaman na may humaplos sa mukha niya.

Dumilat siya at ang mala anghel na mukha ni Kyrene ang nakita niya habang nakangiti, parang mas lalo siyang nakaramdam ng takot, hindi niya alam pero naduduwag talaga siya ngayon. Bigla niyang niyakap si Kyrene na walang kahit isang salitang lumabas sa bibig niya.

"Namiss mo agad ako?" Medyo natatawang tanong ni Kyrene.  Bumitaw ito sa pag kakayakap at nginitian niya si Kyrene.

Kinuha niya ang gamit nito at hinawakan ang kamay tsaka sila naglakad.

Naglakad sila papuntang parking lot na magkahawak kamay. Kyrene keeps talking pero hindi nagsasalita si Khielve hanggang sa marating nila ang parking.  Humarap sila sa isa't-isa.

"Khielve, may problema ba?" Tanong ni Kyrene dahil pansin niya ang katahimikan nito. Ngumiti si Khielve at umiling.

Pinatong ni Khielve ang gamit ni Kyrene sa hood ng kotse niya at hinawakan ang dalawang kamay nito. Nagtataka naman si Kyrene sa mga kilos nito. Niyakap niya si Kyrene.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon