CHAPTER 56

153K 3.5K 210
                                    

Bumababa ang lahat sa stage at agad naman silang sinalubong ng buong pamilya.

"Congratulation Yasmine,  you made it." Bati agad ni Ms. Brizalde.

"Thanks mom" Nagyakap ang dalawa. Kumalas ito ng yakap at humarap kay Kyrene.

"Congratulation Kyrene."

"Salamat po." Nagyakap din sila nito.

"Congratulation mga anak!" Bati ni Mr. Brizalde at niyakap ang dalawa ng sabay. Bumitaw ito ng yakap. Binati rin sila ni Donya Solidad at Ms. Dianna. May mga lumapit na judges sa sakanila at binati sila at pinuri ng mga ito.

"May gustong bumati sayo Kyrene." Binigay sakanya ni Ms. Margarita ang cellphone. Kinuha niya ito.

"Hello anak!"

"Nanay! Aaahh! Nay second place po ako sa competition." Naiiyak si Kyrene sa sobrang kaligayahan.

"Binabati kita anak."

"Salamat nay!" Narinig din niyang maingay sa background na binabati din siya. Ang mga kapatid niya at si Bella pati ang tatay niya, kaya natawa siya sa mga ito.

"Anak may sasabihin sayo si Ms. Brizalde ah." Sabi ng nanay niya.

"Po" Napatingin si Kyrene kay Ms. Brizalde, ngumiti ito sakanya.

"Ano po yun?" Tanong niya sa nanay niya.

"Siya na ang magsasabi sayo."

"Sige po nay. Mahal na mahal ko po kayo. Tatay, kuya Bella. Second place ako." Masayang-masaya siya.

Nagapaalam din agad ang nanay niya at binalik niya ang cellphone kay Ms. Margarita.

"Halika ka Kyrene doon tayo, may sasabihin ako sayo." Tumango si Kyrene.

Aalis na sana sila nito ng may bigla silang may narinig na nakapag patigil sakanila, sa lahat actually.

"I don't know!"

"Tapos ninakaw pa niya ang portfolio ni Kyrene. See, ang dami niyang kasalanan. Ayun! Kinakarma tuloy siya. Yung kinaiinisan niya, twin sister pa pala niya at mahal  na mahal ng lalaking mahal niya. Poor Yasmine."

"Masyadong madrama ang buhay niya. Hindi kasi siya kasing galing ng mommy niya sa pag design,  kaya ayun napagdiskitahan ang portfolio collection ni Kyrene."

"Pero believe ako kay Kyrene ah. Hindi na siya uli nagsumbong kahit alam na niyang Brizalde siya. Alam ko nung una nanahimik nalang dahil binantaan daw ni Donya Solidad na papatalsikin siya dito sa school."

"Katangahan kasi."

"Hindi naman siguro! Mabait lang talaga yun. Siguro naisip niyang hayaan nalang kasi twin sisters naman sila. Ang layo ng ugali nila ni Yasmine, I'm friend of Yasmine pero ang layo talaga ng ugali nila. the good girl and the bad girl."

"Sabihin mo yan kay Yasmine Stacy.  Ewan ko lang kung hindi lang singhal ang gawin no'n sayo." .

"Hayaan mo na nga silang mag agawan ng attention ng pamilya nila, ng lalaki at ng title na the real heiress. May the best girl win... let's go."

Umalingaw-ngaw sa loob ng gymnasium ang dalawang boses na ang topic si Yasmine at Kyrene. Napatingin naman ang iba kay Stacy at Bianca na obvious na sila ang mga boses na yun. Nando'n na rin ang mga ito na binabati si Yasmine.

Paulit-ulit ang record, hindi ito tumitigil..

"What's that?" Tanong ng isang judge.

"Stacy, ikaw yun? Anong ibig sabihin no'n?" Tanong ni Ms. Brizalde,  dahil narinig niyang nabanggit ang pangalan ni Stacy.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon