CHAPTER 67

133K 3.1K 91
                                    

Hindi ko maiwasang hindi isipin sila mommy at daddy, paniguradong nag aalala na yun sakin. Baka nga umiiyak pa yun, sorry mommy, sorry daddy...

Napapikit nalang si Kyrene at medyo tumingala siya at hinyaang bumagsak ang tubig na nang gagaling sa shower. Pagkway pinatay na niya ito, kinuha niya ang towel na nakasabit at nagpunas ng buhok at buong katawan. Tinapis niya ang towel  tsaka lumabas ng banyo.

"Kyrene! Nandito na ako." Tawag ni Khielve habang papasok. Ngumiti si Kyrene kay khielve na kakapasok lang ng bahay. Galing ito sa palengke.

"Lagay mo na muna yan dito, magluluto ako, magbibihis lang ako." Hindi umimik si Khielve, para itong natuklaw ng ahas na nakatingin lang sakanya.

"Khielve! Problema mo. Tulala ka?" Umililing si Khielve.

"Wala ba akong kiss?" Nakangiting tanong ni Kyrene.

"Huh? Mamaya nalang pag kabihis mo."

"Nga pala khielve wala akong damit. Underwear lang nadala ko eh. Pahiram nalang ako ng shirt mo."

"Okay sige, dapat pala sinabi mo kanina, para nabili kita, nawala din sa isip ko."

"Okay lang, ako nalang bibili bukas" pumasok si Kyrene sa kwarto, binuksan niya ang closet at naghanap ng damit ni Khielve na inaayos niya na kanina.

Pinili niya ang pinakamaluwang, dahil wala nga siyang kahit short man lang. Pagkatapos niyang magbihis at magsuklay, lumabas ulit siya. Agad na tumayo si Khielve sa wooden sala set pagkakita sakanya.

Agad siya nitong sinalubong at niyakap ng mahigpit, kumalas ng yakap at hinalikan siya sa labi.

"Bakit kanina ayaw mo akong i-kiss?" Tanong ni Kyrene.

"Umm.. ang sexy mo kasi kanina, mahirap na, baka hindi ako makapag pigil.... Kaso kahit t-shirt lang suot mo... ugggh! Sexy mo parin." Nanggigil nitong sabi at dinikit pa nito ang mukha sa pisngi ni Kyrene. Natawa nalang si Kyrene sa sinabi nito.

"Sige na bitaw na. Magluluto na ako."

"Tulungan kita." Nagpunta ang dalawa sa kitchen at inaayos ni Kyrene ang lahat ng pinamili ni Khielve.

"Gusto ko ng adodo." -Khielve

"Okay, walang katapusang adobo."

"Namiss ko na yun eh." Hiniwa ni Kyrene ang karne ng manok. Habang si Khielve nasa likod niya at nakayakap sakanya.

"Ikaw ba tutulong o yayakap lang d'yan?" Ngumiti lang si Khielve at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang niya.

Napangiti nalang si Kyrene, pero gusto naman niya ang ganito, gusto niya ang kasweetan ni Khielve.

After niyang hiwain at hugasan ang karne. Sinalang niya ang kawali at sinimulan niya itong lutuin.

"Ayan na. Antayin nalang nating lumambot."

"Kahit hindi pa luto parang ang sarap na."

"Masyado ka." Nilamukos ni Kyrene ang mukha ni Khielve, sabay tawa.

"Halika dito muna tayo." Hinila siya ni Khielve at umupo sa isang silya at pinaupo siya sa hita nito. Nakaside siyang umupo at  pinulupot ni Kyrene ang isang braso niya sa balikat nito.

"Kiss mo 'ko." Ngumiti si Kyrene at hinalikan niya si Khielve sa labi ng damping halik lang.

"Yung masarap naman." Natawa si Kyrene dahil nag puppy face pa 'to.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon