CHAPTER 21

151K 4.1K 309
                                    

Kumakain na sila, pinaihaw lang nila ang telapia at bangus na nahuli nila. May mga sugpo din sulang in'order. Nagbabalat sila ng sugpo gamit ang kamay nila maliban kay Yasmine. Kayang-kaya naman nitong balatan ang sugpo gamit ang spoon and fork.

"Yasmine oh. Ayos lang ba sayo yan kahit hinawakan ko?" Tanong ni Khielve. Pinagbalat nito si Yasmine ng sugpo. Tumingin naman si Kyrene dito at tumingin uli sa kinakain.

"Of course Khielve,  you're so sweet. Thanks!" Sabi ni Yasmine.

"Kyrene gusto mo ipagbalat din kita?" Tanong ni Zion na nagpipigil mapangiti ng husto. Dahil pansin nito ang pagkairita ni Kyrene.

"Gusto mo ikaw balatan ko ng buhay Zion?" Sabi ni Kyrene at sinamaan ito ng tingin.

"Ahaha! Ito naman, nagiging sweet lang ako sayo. Kasi ang sweet ni seniorito eh, ginagaya ko lang. Ahaha!" Sabi ni Zion sabay tawa ng malakas. Tumingin si Khielve kay Kyrene.

"May problema ka ba Kyrene?  Parang kanina ka pa masungit." Tanong ni Khielve. Umiling si Kyrene na hindi tumitingin dito at pinagpatuloy nalang ang pagkain.

"Khielve try this." Sabi ni Yasmine at sinubuan si Khielve. Biglang tumayo si Kyrene,  napatingin ang lahat sa kanya.

"Kyrene tapos ka na ba?" Tanong ni Kenneth. Tumango lang si Kyrene at sabay alis para pumunta ng restroom.

"Ano kaya problema ni Kyrene?" Tanong ni Khielve.

"Haist! Manhid!" Zion said.

"Anong manhid?" Tanong ni Khielve.

"Itong sili! Pagna sobrahan nakakamanhid ng labi pero hindi ng puso at utak! TANGA!" Sabi ni Zion na tinaas pa ang isang sili.

"Maka tanga ka ah! Parang ikaw matalino ah." Sabi ni Khielve.

**

Nasa restroom si Kyrene, naghuhugas siya ng kamay. Tumingin siya sa salamin.

Anong nangyayari sakin? Bakit ako naiinis? Nagseselos ba ako? Tsk. "Bwesit!"-Sa isip siya. Pero ang Bwesit na sambit niya at napalakas at napadyak pa niya ang paa niya. Napatingin naman sakanya ang isang matandang babae na naghuhugas din ng kamay.

"Hehe! Sorry po." She nodded her head repeatedly as she steps backwards towards the door. Then got out.

Naglakad siya papunta sa labas pero tumigil muna siya sa table nila.

"Antayin ko nalang kayo sa labas." Hindi na niya inantay sumagot ang mga ito at lumabas na siya. Sumandal siya kotse, mga ilang minuto lang lumabas si Kenneth. Tumabi ito kay Kyrene at sumandal din.

"Kyrene may problema ka ba?" Tanong ni Kenneth. Tumingin si Kyrene dito.

"Wala naman, bakit mo na tanong?" She asks

"Mukha ka kasing may problema. Si Khielve ba?" Tanong ni Kenneth.

"Hindi! Wala naman." Sagot niya. Lumabas na rin ang iba binuksan ni Kyrene ang pinto sa passenger seat at papasok na sana.

"Kyrene! Pwedeng ako nalang dito?" Sabi ni Yasmine. Tumango lang si Kyrene at pumanta nalang sa likod. Tumabi nalang siya kay Kenneth sumandal siya at pumikit. Sumakay na rin ang iba, sumakay si Khielve sa driver seat. Tumingin ito sa salamin at tinignan si Kyrene.

Ano kayang problema ni Kyrene? -sa isip ni Khielve tsaka pinaandar ang sasakyan.

"Khielve mamaya pupunta ang parents mo samin. Sama ka ah? Turuan mo naman ako magpiano." Sabi ni Yasmine.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon