Kumakatok si Kyrene sa kwarto ni Khielve. Pero walang sumasagot. Kaya binuksan nalang niya ito. Nakaupo lang ito at nanonood ng movie.
Nandiyan lang hindi man lang sumagot.
"Seniorito kakain na po." Sabi ni Kyrene. Nasa may pinto lang siya. Pero hindi ito kumilos o sumagot kaya pumasok nalang siya.
"Seniorito kakain na po. Nagaantay na sila sa baba." Sabi niya uli. Pero hindi parin ito umimik.
"Ano po bang problema seniorito? Galit parin kayo sa ginawa ko? Kumain ka na hindi na lang ako sasabay sainyo kung nababanas ka sakin." Sabi niya pero hindi parin ito umimik.
"Okay po seniorito! Sorry kung ginawa ko yun. Hindi ko sinasadya kung hindi ka nakahalik kay Monique. Magd'date pa naman kayo uli eh. Makakakiss ka parin niyan. Wag kang magalala kitang kita naman na may gusto sayo yung empaktang yun eh. Kung gusto mo sunduin ko pa ngayon para matuloy ang hali-
"SHUT UP!" Mahina pero madiin nitong sabi. Sinamaan nito ng tingin si Kyrene.
"Okay sabi ko nga. Bumaba na po kayo Monster Kisser." Sabi ni Kyrene. Tumingin uli sakanya si Khielve.
"What did you just say?" Salubong na naman ang kilay nito.
"Sabi ko Monster kisser! hindi mo ba type? Kiss addict nalang." Sabi ni Kyrene. Naiinis na rin kasi siya dito dahil parang batang inagawan ng laruan sa pagmamaktol nito.
"Nangiinis ka ba Kyrene? Hindi ako addict sa kiss. Mga babae ang humahalik sakin. Si Monique! Siya ang gustong humalik sakin kanina hindi ako." Iritang sabi nito. Para naman lalong nabwesit si Kyrene sa narinig na kayabangan nito.
"Talaga!? Hindi ka ng hahalik? Eh anong ginawa mo sakin?" Tanong ni Kyrene at tinitigan ito ng masama.
"Ikaw Kyrene ang humalik sakin. Sino ang unang nag lapat ng labi. Hindi ba ikaw? I just kissed you back." Namula si Kyrene sa narinig niya dahil sa galit.
"Oo, kasalanan ko nga. Kasi akala ko nalulunod ka. Kaya binigyan kita ng cpr. Kaso MANLOLOKONG MANYAK KA!!" Sumigaw na si Kyrene. Dahil Bwesit na Bwesit na siya dito.
"Hoy Kyrene wag mo akong pagsa--
"Bakit? Totoo lang ang sinasabi ko. Hindi ka lang nakahalik kay Monique galit na galit kana sakin. Nag sorry na ako. Mas malaki nga ang kasalanan mo sakin, nikanaw mo ang first kiss ko. Nasilipan mo ako at nilait mo pa ako. Pero nagawa mo bang humingi ng sorry sa ginawa mo kanina ha?!" Hindi na inantay ni Kyrene na sumagot pa ito nilayasan niya na ito.
Padabog na bumababa si Kyrene sa hagdan.
"Oh Kyrene! Asan na si Khielve?" Tanong ni Zion. Umupo si Kyrene katabi ni Tricia sa sofa.
"Ayaw eh! Galit." Sabi ni Kyrene.
"Bakit ba galit yun? Kanina pagdating niyo mukhang badtrip na badtrip." Tanong naman ni Simon.
"Paano sinira ko yung romantic scene nila ni Monique." Sagot niya.
"You ruined their romantic scene. How?" Tricia asks.
"Paano kasi naglalampungan sila ni Monique. Sabi ko mauna na ako umuwi. Ayaw niya. Dun lang daw ako. Kaya gumawa ako ng paraan." She explained. Nakitingin naman ang lahat sakanya na parang nagaantay ng susunod niyang sasabihin.
"Anong ginawa mo?" Kenneth asks.
"Ayun. Magkikiss na dapat sila. Tinapunan ko sila ng maraming maliit na palaka."