__________________________________
Four days to go debut na nila Kyrene. Nasa living room si Kyrene at mag asawang Brizalde. Pag uwi niya galing ng school, nando'n na ang mag asawa.
"Kyrene, anak." May binigay na sobre kay Kyrene. Kinuha naman niya ito.
"Ano po to?"
"Buksan mo Kyrene." Utos ni Mr. Brizalde. Binuksan ito ni Kyrene at tinignan at muling tumingin sa mag asawa.
"Anak talaga kita. Dapat kagabi pa namin sasabihin sayo, kaso nagkagulo." Paliwanag ni Ms. Brizalde.
"Kayo po talaga." Mangiyak-ngiyak si Kyrene sa nalaman niya. Agad siyang nilapitan ni Ms. Margarita at niyakap.
"Sasama ka na samin ha?" Yumakap din siya dito at tumulo na ng tuloy-tuloy ang luha niya. Tumingin siya kay Mr. Brizalde, ngumiti ito sakanya at ganun din siya.
Nagkalas ng yakap ang mag ina. Tumingin si Kyrene kay Khielve na nakaupo sa may couch. Parang malungkot ang mata nito, tumingin uli kay Ms. Margarita.
"Pwede po bang...um. bukas nalang. Aayusin ko po muna ang mga gamit ko." Ngumiti sakanya ito.
"Sige. Susunduin ka namin bukas ah." Tumango si Kyrene.
"Babalik nalang kami bukas." Tumayo ito at si Kyrene. Niyakap uli siya nito. Kumalas sila ng yakap at lumapit naman si Mr. Brizalde at niyakap din siya.
"Susunduin ka namin bukas ah. Masayang masaya ako na ikaw ang anak namin." -Mr. Brizalde
"Ako din po. Masayang malaman na kayo ang tunay kong mga magulang." Kumalas sila ng yakap.
"Aalis na kami, babalik na lang kami bukas. Susunduin ka namin." -Mr. Vincent
"Sige po" Nagpaalam ito kay Khielve.
Hinatid lang niya ang mga ito sa labas at muli siyang bumalik sa loob pag kaalis ng mga magulang niya. Nakaupo parin si Khielve sa couch, malungkot ang mukha nito.
Lumapit si Kyrene dito. Yumukod siya, hinawak niya ang dalawang kamay sa tuhod niya.
"Hoy! Anong problema mo? Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong niya dito.
Marahas nitong hinilamos ang kamay sa mukha nito. Tumayo si Khielve ay niyakap si Kyrene.
"Dapat masaya ako eh. Pero nalulungkot talaga ako ng sobra. Haaay Kyrene! Pakasalan nalang kaya kita, para hindi kana umalis dito." Natawa si Kyrene sa sinabi nito.
"Dahil ba aalis na ako, kaya ka malungkot?"
"Sanay na akong kasama ka eh. Parang hindi ko na kaya kung wala ka dito." Nakayakap parin ito sakanya.
"Kahit naman ako eh. Sanay na rin akong magkasama tayo lagi. Kumain ng sabay, magk'kwentuhan bago matulog. Papasok sa school at uuwi ng sabay." Huminga ng malalim si Kyrene.
"Hayaan mo na. Lagi naman tayong magkikita sa school." Kumalas sila ng pagkakayakap.
"Ako parin ang maghahatid sayo lagi ah. Susundin kita sa bahay niyo at ihahatid kita pauwi, kakain sa labas at manonood ng movie every week." Napangiti si Kyrene ng husto at hinawakan ang mukha nito.
Pero tumingin muna ito sa paligid kung may tao at muling humarap kay Khielve. Hinalikan niya ito sa labi ng masuyong halik.
"Mahal na mahal kita. Wag ka ng malungkot." Niyakap nalang uli siya ni Khielve.