2 1/2 Years later:"Yes Kenneth honey. Nandito ako sa boutique, pero paalis na rin ako, papunta ako ng company."
"I miss you, nandito ako sa MB Company, akala ko kasi nandito ka eh. Kaya dito ako tumuloy."
"WHAT!?" Napatalon si Kyrene mula sa high stool na kinauupuan niya na nasa may counter.
"Ahaha! Bakit?" Natawa ito sa reaksyon niya.
"Anong bakit? Usapan natin, tatawagan mo ako pag-pa-uwi ka na." May pag tatampo sa tinig niya.
"Sorry, I just want to surprise you. Kaso hindi naman kita inabutan dito."
"Sige na ba-bye na, pupunta na ako d'yan, just wait for me, lagot ka sa 'kin." Sabi niya, tumawa lang ito.
"Make it hurry hon, miss na kita."
"I will, bye! I love you."
"I love you too." Pinatay niya ang cellphone at agad na kinuha ang bag niya na nasa counter.
"Girls, I have to go na. Kayo na ang bahala dito ah."
"Mukhang nag-aantay na ang fiancé mo Ms. Kyrene."
"Yeah! Bye girls." Paalam niya sa mga attendant ng boutique niya.
Mahigit One week na siya sa Pilipinas, after 3 years ng pananatili niya sa London, she's finally back, nauna siyang umuwi kay Kenneth.
Ngayon isa na siyang fashion designer at nag sisimula na rin makilala ang pangalan niya bilang fashion designer. Madalas din kasi siyang sumali sa fashion design competition sa London, at lagi siyang nanalo dahil sa pagiging unique at creative niya. May kumukuha sa kanyang malaking kompanya ng clothing line sa London pero hindi niya ito tinanggap dahil mas gusto niyang sa kompanya nila siya mag-trabaho.
Kumuha din siya ng course na business administration, tinulungan siya ni Kenneth sa course na yon, dahil yun din ang course nito. Kailangan kasi niya 'yon para sa pag-papatakbo ng kompanya nila. Dito na lang niya din balak ituloy ang pag-aaral niya.
Nag-sisimula na rin siyang mag-trabaho sa company nila. Umuwi muna siya ng probinsya, mga ilang araw lang siya d'on at bumalik agad ng Manila para simulan ang pag-ta-trabaho sa kompanya ng pamilya niya.
Masaya siyang nag-lalakad sa lobby ng mall ng bigla siyang may nakita na nakapag-pahinto sa kanya mula sa pag-lalakad, maging ang oras niya ata at tibok ng puso niya huminto. Napahawak siya sa pagitan ng leeg at dibdib niya, marahan niya itong hinaplos.
"Khielve" Halos walang boses na lumabas sa bibig niya.
Pakiramdam niya nanikip ang dibdib niya sa nakikita, si Khielve naka denim jeans ito at white plain shirt. kasama nito si Yasmine, sa tapat ng isang restaurant, may karga-kargang baby si Yasmine. Nakita pa niyang pinicture-ran ito ni Khielve bago umalis.
Mabilis na tumalima si Kyrene, hindi niya maintindihan pero nakakaramdam siya ng sakit. 3years na ang nakaraan ng mag-break sila ni Khielve, 2years and a half year na rin mula ng kinasal si Yasmine at Khielve, wala na rin siyang balita sa dalawa, kahit sa iba niyang kaibigan wala rin siyang balita, mas pinili niyang hindi makipag-communicate sa mga ito, para iwas sa sakit at mabilis na pag-move-on.
Nag-hanap siya ng ibang daan papuntang parking lot, agad siyang sumakay sa kotse niya. Huminga siya ng maka-ilang ulit para ma-compose ang sarili niya.
"Kyrene, stop it! Wala na, naka-move-on ka na diba?" Nag-pakawala siya ng hangin at binuhay niya ang makina ng sasakyan niya.
Pinaandar niya ito pero napa-preno siya bigla ng biglang may sasakyan na sumulpot sa dadaanan niya. Isang kulay abo na sport car.