CHAPTER 30

136K 3.4K 127
                                    

Nasa sasakyan si Kyrene at ihahatid siya ng driver nila Khielve sa school.

"Kyrene taga saan ka ba?" Tanong ng driver.

"Taga San Isidro po."

"Kababayan mo pala sila sir Henry."

"Opo ang totoo po niyan, pinagaaral ako ni Donya Clara, malapit lang ang bahay namin sa hacienda nila." Paliwanag niya.

"Talaga! Ang bait ng pamilyang niyan, alam mo ba sila din ang nag paaral sa anak ko sa kolehiyo. Ngayon graduate na ang anak ko bilang guro at nagtuturo na."

"Talaga po! Ang bait po talaga nila."

"Manong ilang minutes po mula sa bahay hanggang sa school? pwede po kaya ituro niyo sakin kung ano ang mga sasakyan, para hindi niyo na ako kailangan ihatid."

"Naku Kyrene wag na! Binilin ka kasi ni Ma'am at sir."

"Sige na po manong, para po paghindi po kayo makakasundo o makakahatid atleast alam ko." Pamimilit niya dito.

"Sige na nga!" Tinuro naman nito ang mga pwede niyang sakyan papuntang school at pauwi. 15 minutes ang byahe kung may sariling sasakyan, kasi pwedeng umiwas sa trapik, pero kung magc'commute depende kung gaano ka trapik. narating nila ang KY University.

"Nandito na tayo Kyrene. Goodluck sa first day mo. Pag butihin mo ang pag aaral mo." Napangiti siya sa sinabi ng driver.

"Makakaasa po kayo manong, salamat po. Ingat po sa paguwi."

"Antayin nalang uli kita dito mamaya ah."

"Okay po!" Yun lang at lumabas na siya sa sasakyan.

Pinagmasdan niya ang malaking gate ng school.

"Nandito ka na Kyrene! Totoong-totoo na to. Hindi kana na nanaginip lang."

Huminga siya ng malalim at winagwag ang kamay niya para kalmahin ang sarili. Kinakabahan siya, sobra! Naglakad siya papuntang gate.

Pumasok siya, okay na ang lahat. Pinaayos na lahat ni Donya Clara, kailangan lang niyang kunin ang schedule niya at ang number ng classroom niya. Lumapit muna siya sa security guard para magtanong.

"Excuse me po kuya! San po ang add min. Office?" Tanong niya.

"Doon banda, deritsuhin mo lang yan. Makikita mo naman agad yun." Sabi ng guard.

"Sige po salamat po." Magalang niyang sabi at dumiretso na siya.

Pupunta siya sa administration office, wala pang masyadong mga tao maaga pa naman kasi. Narating niya ang addmin. Kinuha niya ang schedule at pati rin ang mga libro at muli siyang lumabas.

Medyo dumadami na ang tao. Mas lalong kinabahan si Kyrene sa nakikita, sa mga suot kasi ng studyante sobrang nakaka intimidate na. Pakiramdam niya hindi siya nababagay sa school na to.

"Hindi Kyrene,  kaya mo yan. Ano naman kung ganito lang suot mo. Mahabang palda, isipin mo nalang makalumang maxi skirt. Okay naman eh." Sabi niya sa sarili, yung blouse na suot niya. Bagay naman eh, fitted short sleeve, binili nila ito ni Bella sa ukay.

Hindi naman talaga worse ang suot niya na ngayon,  pero magiging worse ito pag tinabi siya sa mga studyanteng puro signature brand ang suot.

"Bakit kasi walang uniform dito, para naman sana hindi masyadong halata ang pagiging jologs ko." Kinuha niya ang mapa sa brown envelope na bigay sa addmin. Tinignan niya ito para makita kung saan ang department na pupuntan niya.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon