CHAPTER 46

154K 3.6K 154
                                    

BAR:

Nakaupo ang lahat sa mini sofa style ng bar. Wala pa sila Kyrene. Mga ilang minuto lang dumating ang mga ito.

"Bella I miss you!" Agad na tumayo si Tricia at Jelian at yumakap kay Bella.

"Miss ko din kayo." Masayang-masaya na sabi ni Bella.

"Hey Bella!" Sabay-sabay nila Kenneth.

"Hello guys. Parang lalo kayong gumwapo ah." Puri ni Bella sa mga ito.

"Thanks Bella." Simon says.

"Wow! New girl. Hi miss beautiful, I'm Zion." Agad na nakipag kamay dito si Zion, na medyo pasigaw dahil sa lakas ng sounds.

"I'm Janilin." Simpleng sagot nito na pasigaw din.

"Hoy hoy hoy!  Tigilan mo yang pinsan ko. Minor-di-edad yan." Agad na sabi ni Khielve. Nagpakilala dito sila Tricia at umupo ang mga ito. Magkakatabi yung mga babae at katabi ni Simon si Jelian.

Umupo naman si Khielve at Kyrene na magkabi na nakahawak parin sa bewang.

"Hey Montillo! sagot mo tong gabing to." Agad na sabi ni Zion.

"Yeah sure, no limit." Agad na sagot ni Khielve.

"Wohooo!" Tuwang-tuwa na hiyaw ni Zion.

"Khielve baka naman gusto mong pakawalan si Kyrene, kung makayakap ka." Angal ni Kenneth.

"Wag ka ngang mangialam Kenneth." Sagot ni Khielve pero nakangiti at lalong hinigpitin ang yakap kay Kyrene.

"Oo Khielve,  makayakap ka wagas." Sabi naman ni Kyrene.

"Ayaw mo ba?" Seryosong tanong nito.

"Hindi naman." Nakangiting sagot niya.

"Hey love birds.... Kyrene take this. Drink it." May binigay si Tricia na alak kay Kyrene.  Pero agad na kinuha ni Khielve at siya ang uminom.

"Goddammit Montillo! Will you please stop acting like a watchful boyfriend, that's not good." Singhal ni Tricia.

"Hindi siya umiinom Tricia."

"Iinom siya kung papayagan mo. Look Bella oh." Sabay turo sa katabing si Bella. Umiinom nga ito.

"Kayo nalang uminom. Wag mo ng idamay si Kyrene."

"Such a boring boyfriend." Sabay ingos ni Tricia dito. Napangiti nalang si Kyrene.

"Hi guys! Hi Kyrene."

"Miss Lynnedoll hello." Bati ni Kyrene dito. Binati rin ito ng iba.

"Hi guys" Lumapit naman si Calleb sa may table nila.

"Nandito ka rin Calleb? Magkasama kayo?" Tanong ni Tricia.

"Yeah, with friends.. nandun lang table namin." Lynnedoll says.

"Hi Blossom!" Bati ni Calleb kay Kyrene.

"Tumigil ka nga sa kaka Blossom mo Calleb ah! KYRENE!" Singhal ni Khielve dito.

"Tss. Sungit mo ah! Naunahan mo lang ako. Kung alam ko lang na gusto pala ni Kyrene na pinagsisigawan ang pagmamahal sakanya ginawa ko din yun eh." Natawa lang ang iba dito.

"Kahit brinoadcast mo pa yun sa national television, hindi ka sasagutin ni Kyrene. Alam mo kung bakit? Kasi ako ang mahal niya." Kompyansang pahayag nito at ngumisi pa. Sumimangot lang si Calleb.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon