CHAPTER 40

153K 3.8K 382
                                    

"Kyrene okay ka lang ba?" Tanong ni Ate Inday kay Kyrene.  Nasa kusina sila nito.

"Po? Opo!"

"Bakit ganyan itsura mo? Umiyak ka ba?" Tanong nito.

"Hindi po."

"Inday dalhan mo sila seniorito ng meryenda, may mga bisita siya?" Sabi ni manang Betty na kakapasok lang sa kusina.

"Sige po" Sagot ni Inday at naghanda ng meryenda.

"Kyrene pwede tulungan mo akong nagdala nito." Pakiusap ni Inday.

"Sige po" binuhat ni Kyrene ang tray. Lumabas si Inday at sumunod siya.

Natigilan si Kyrene paglabas niya sila Yasmine at mga kaibigan nito ang nandon kasama din sila Simon at Zion. Iniisip ni Kyrene baka sila Zion lang.

Nailapag na ni Inday ang snacks sa center table. At bumalik uli.

"Hoy Kyrene dalhin mo na yan dun, tulala ka diyan." Sabi ni Inday.

"Ah! Opo." Huminga ng malalim si Kyrene bago naglakad papunta sa living room.

Paglapit niya nagulat ng husto si Yasmine pati ang mga kaibigan nito.

"Hi Kyrene!" Simon/Zion. Ngumiti si Kyrene dito.

"Anong ginagawa niya dito? Dito ba siya nakatira? Nakikitira ka dito?" Tanong ni Yasmine. Tumingin ito kay Khielve.

"Personal alalay mo siya khielve?" Yasmine asks again.

"No! Dito lang tala--

"Oo, katulong ako dito. Hindi lang ako basta nakikitira, yun ang bayad ko sa pagtira dito." Putol niya kay khielve.

Walang ka-emo-emosyon ang mukha ni Kyrene. Habang nilalapag ang tray.

"Kyrene!" Napalingon silang lahat sa pinto. Sila Kenneth, Jelian at Tricia. Lumapit ito sakanila.

"Ate Yas, nandito ka pala." Jelian says.

"Anong ginagawa niyo dito?" Kyrene asks.

"OMG! Umiyak ka ba Kyrene? Bakit mugto ang mata mo?"Tricia asks

"Huh? Hindi!"

"Umiyak ka eh! Kanina pagbalik mo ng classroom mas mugto pa ang mata mo diyan." Sabi naman ni Jelian.

"But why?" Tricia asks.

"Dahil siguro sa portfolio niya! Nawawala kasi." Sabi uli ni Jelian.

"But anyway Kyrene, I brought you something...a sewing machine. " Jelian says at tinuro ang sewing machine na hawak ni Kenneth. Napangiti naman si Kyrene.

"Hindi ko nasabi sayo, gusto kita isurprise. Pinabibigay sayo ni Tita Margarita." Nawala ang pagkakangiti ni Kyrene.

"Pakisabi salamat! Pero hindi ko matatanggap." Nawala ang ngiti ni Jelian.

"But why?" Jelian

"Yes Kyrene, why not? Tanggapin mo na. Tulong namin yan sayo. Dapat hindi mo masyado pinapairal ang pride." Yasmine says. Parang nagpanting ang tenga ni Kyrene sa narinig. Kung pwede lang ibato nito dito ang makina sa pagmumukha nito ginawa na niya.

"Tumatanggap ako ng tulong, pero hindi ko naman kasi alam kung paano ko mababayaran yan eh. " Madiin na sabi ni Kyrene at pinakatitigan si  Yasmine.

"Oh really! But I think you need that."

"Oo, sobrang kailangan ko yan, Tulad nga ng sinabi mo nabubuhay kami sa tulong ng iba. Pero lahat yun, binabayaran namin kahit sa paanong paraan, kahit sa maliit na bagay. Kaya hindi ko matatanggap yan lalo kung manggagaling sayo." Pinaningkitan siya ng mata ni Yasmine, pero ngumiti parin. Nagtinginan naman ang lahat kay Kyrene na parang may nas'sense na kakaiba.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon