THIRTY TWO: SWEET REVENGE!

41.1K 1.1K 192
                                    

THIRTY TWO: SWEET REVENGE!

 

 

VINCY’S POV

 

 

Umuwi ako sandali para kumuha ng ilang gamit ko dito sa bahay at ngayon bigla akong nagsisi kung bakit ako umuwi.

“Sinabi ko na sa inyo hindi kay papa galing ang bag na yun!” nandito ngayon sa room ko ang magaling kong step mom.

“Alam kong hindi nya yun aaminin dahil inutusan mo sya!” napatigil ako sa pagiimpake at napaharap sa kanya. “Ano? Tama ako di ba? Napakagaling mo! Umasa si Yvonne sa bag na yun, pero anong ginawa mo? Kinausap mo ang papa mo behind our backs para sa’yo na naman mapunta ang gusto mo! Anong klase ka?”

“Okay. Tapos na kayo?” tumalikod ulit ako at itinuloy ang pagiimpake.

“So inaamin mo nga. Unbelievable! Wala kang kwenta kahit kailan!” dismayado nyang sabi.

Napatigil ulit ako at napaharap sa kanya. “Wow, at kayo may kwenta? Don’t worry, kakausapin ko si papa. Mag-skype pa kami kung gusto mo, isasama ko pa ang mga kaibigan ko at ang manager namin sa Oquenin para sabihin na hindi mo ibinibigay ang mga dapat para sa’kin. Na kailangan kong magtrabaho habang nag-aaral. Na hindi ako makatira sa sariling bahay ng mommy ko! Oh, kasama na dun ang pambubully ni Yvonne sa’kin. Wait, isasama ko rin si lola, kasi dun ako nakatira ngayon so dapat dun na babagsak ang padala nya!!” sagot ko sa kanya.

“Hindi sya maniniwala sa’yo!” sigaw ng magaling kong step mom at tila natakot sa mga sinabi ko. “Ibigay mo ang bag kay Yvonne kung gusto mong matapos ang lahat!”

“Ano pa bang gusto nyo? Kinuha na nga nya sa’kin yung bag. Ah hindi, ninakaw nya yung bag sa’kin. Ang kapal ng mukha. Hindi ko naman kailangan yun, kung hanapin man yun ng nagbigay sa’kin ituturo ko si Yvonne, hindi naman siguro sya tatawag ng pulis.” Kinuha ko ang bag ko.

“Hanggang salita ka lang. Hindi mo kami masisira sa papa mo. Kami ang kakampihan nya tandaan mo yan!!” sigaw nya sa’kin at tsaka lumabas ng kwarto ko.

Malamang hindi maniniwala si papa sa’kin. Hindi naman kami naguusap at isa pa wala naman silang ginawa kundi siraan ako kay papa araw-araw ng buhay nila.

Lumabas ako ng kwarto at sinigurado kong nakalock sya. “Poor Vincy, inggitera kasi!” narinig kong sabi ni Yvonne habang pababa ako ng hagdanan.

Lumapit ako sa kanya. “Wag mong idescribe yang sarili mo. Don’t worry, kung ano man ang ginawa mo sa’kin, I am 100% sure na doble ang mangyayari sa’yo. Isaksak mo sa baga mo yang bag na yan!!” Papaalis na ako ng maalala kong dala ko nga pala ang fake na bag ni Yvonne kaya kinuha ko at ibinato ko sa kanya. “Mas bagay talaga sa’yo yan, itago mo. Kakailanganin mo ulit yan.”

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon