SEVEN: IT STARTED WITH A - CURSE?

70.9K 1.1K 42
                                    

SEVEN: IT STARTED WITH A – CURSE?

 

 

VINCY’S POV

“You looked exhausted Vincy.” Sabi ni Cherica habang kumakain ng burger dito sa cafeteria.

“Mukhang napaovertime ka na naman sa Oquenin ah.” Sabi naman ni Amber habang nagma-make up.

Habang ako naman naka-lean dito sa table at gusto ko nang matulog.

“Hey girls!!” sabay-sabay kaming napatingin kay Levzkane na sobrang laki ng ngiti abot na yata sa langit. Umupo sya sa tapat ko.

“Bakit ang ganda ng mood mo?” walang gana kong tanong. “Sana naman bigyan mo ko ng energy. Konti na lang mukha na kong walker.”

“Oh come on Vincy, lagi ka namang mukhang walker.” Then she laughed at tinitigan ko lang sya ng masama. “I was just joking. Mas maganda ka sa mga zombies na yun.” Halata namang sinasadya nya. Imagine sabihan ako ng walker? Duh, mukha lang akong haggard pero hindi ako mukhang zombie. Lalong-lalo na hindi ako amoy zombie. “Anyway Vincy – ” she paused then looked at me. “I was just wondering, nag-uusap pa rin ba kayo ni Tucker?”

“Oh shut up Levz. Don’t ruin my mood!” Sumandal ako at nakikuha sa fries ni Cherica.

“Just answer my question!” nagulat kaming lahat ng magdabog sya sa table.

“What the hell is wrong with you?” tanong ni Cherica na mukhang nainis dahil naistorbo ang pagbabasa nya ng book.

“What? I just want her to answer me.” She shrugged at tinitigan ulit ako while her head tilts.

“My answer’s NO! And no in hell! Satisfied?” I folded my arms over my chest.

“Great! You can come out now sugar!” napatingin kaming lahat sa direction kung saan nakatingin si Levzkane at isang naglalakad na espasol ang nakita ko.

“Levz I told you not to ruin my day!” galit kong sabi sa kanya.

“Sus, mukha nya kaya ang nakakasira ng araw ng kahit na sinong makakakita.” Narinig kong sabi ng naglalakad na espasol.

“Excuse me?” tumayo ako at tumingin sa kanya.

“I’m not talking to you. Wag masyadong halata ha.” He smirked then tumigil sya sa harapan ni Levz. “Good morning sugar.” Then they kissed.

“No freaking way!” sabay na sabi ni Cherica at Amber. Nalaglag ang fries from Cherica’s mouth at lumampas naman ang lipstick ni Amber dahil lang sa pagkakatitig nila sa naghahalikang Levz at espasol.

“What is going on? Care to explain Levz?” tanong ko sa kanya since ang dalawa naming kaibigan ay tulala masyado.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon