TEN: THE CONFUSION

57.8K 1.1K 84
                                    

TEN: THE CONFUSION


TUCKER'S POV

"Ang weird talaga bro. Alam mo yung naguguluhan ako sa kanilang dalawa. Yung suklay na yun nahalikan ko ng di oras at yung isa naman lagi akong inaakit. Ugh!" kausap ko ulit si Trav ngayon at palabas na kami ng school dahil tapos na ang klase.

"Sila ba yung kambal?" tanong nya na parang walang gana.

"Oo ata. Pero kasi hindi ko pa sila natatanong. Isa pa kung kambal sila bakit magkaiba sila ng surname? Mababaliw na ko talaga. Kapag nalaman ko lang na pinagtitripan ako ng dalawang yun humanda sila sa'kin!!" naiinis kong sabi.

"Sus, gawain mo kasi yang mangtrip. Gusto ko talagang makilala yang sinasabi mong babae. Ililibre ko kasi mukhang binabago ka nila." Nakakatamad kausap si Trav. Alam mo yung tono nyang magsalita iisa lang. WALANG KAGANA-GANA.

"Naku kapag nakilala mo sila ewan ko na." tumingin ako sa watch ko. "Mauna na pala ko sa'yo. May session kasi ako ngayon."

"Oh akala ko ba wala ka ng girlfriend?" tiningnan nya ko ng diretso na parang jinajudge ang kaluluwa ko sa hell.

"Baliw ka din no dude! Nakarinig ka lang ng session masama na ang itiningin mo sa'kin. Dance session yun, bagsak ako remember." At bigla syang tumawa ng malakas. "Sige tawa pa."

"Bakit kasi hindi mo na lang ako ginaya nun. Eh di sana hindi ka nagiisa ngayon." Tinap nya ko sa balikat. "Goodluck na lang sa future mo. Mukhang aabangan yan ng lahat." Natatawa nyang sabi.

"Ewan sa'yo! Dun ka na nga sa dota girl mo!" bigla syang napatigil at seryosong tumingin sa'kin. "O bakit?"

"Wala!" tapos tumalikod na sya ulit.

"Teka, hihinga ka ng love advice no!!!" tumatawa kong sabi tsaka ako lumapit sa kanya at inakbayan ko sya. "Woooooo inlababo si Travis Cai!!!"

"HOY WAG KA NGANG MAGSISIGAW DYAN!!!" nagulat ako ng sumigaw sya.

"Woooo sumisigaw na rin si Travis Cai!!!" namula ang mokong bigla. Hindi kasi 'to nasigaw. Sa'ming lahat sya ang may pinakamalumanay na boses.

Inalis nya ang kamay ko at sumakay na sya sa motor nya. "Dyan ka na nga!"

"Ayiiie namumula. Dude, tao ka na. Congrats!" hindi nya ko pinansin at umalis na lang. Habang ako ang ganda-ganda naman ng ngiti ko kasi natutuwa ako para sa kanya. For sure one of these days hihingi yan ng advice sa'kin.

Napapailing na lang ako sa tuwa ng maalala kong dadaanan ko nga pala si suklay sa bahay nila. Sana naman hindi na maghanap ng pera yung tiyahin nya. Kawawa naman yung suklay na yun, kaya siguro kahit suklay hindi sya makabili kasi kinukuha ng tiyahin nya yung pera. Buti na rin 'tong bibigyan ko sya ng work at hindi na nya kailangang magtrabaho sa Oquenin.

Teka – dun din nagtatrabaho si Vienna ah. Ano naman kayang trabaho nya dun? Ah – siguro dishwasher kasi yung itsura nya pang kitchen lang. Bigla naman akong napatawa. Hindi ko naman sya nilalait, nagsasabi lang ako ng totoo. Kaya nga sya na din ang kinuha kong dance instructor para wala akong magawang hindi maganda kasi makita ko palang sya nawawalan na ko ng gana. Kaya nga natawa ako nung sinabi nya sa'kin na wag daw akong maiinlove sa kanya. Grabe,natatawa pa rin ako kapag naaalala ko.

Nakamotor lang ako ngayon kaya dumiretso na ko sa kanila. 

Dahil mabilis akong magdrive ilang minutes lang nandito na ko sa bahay nila. Bumaba ako at nagdoorbell. Medyo paimportante lang ha, sana inexpect na nya na darating ako dahil sinabi kong susunduin ko sya. Swerte nya nga susunduin ko pa sya. Saan naman sya nakakita ng boss pa ang sumusundo. Isang doorbell pa ulit at bumukas na ang pintuan. "Good evening – "

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon