FORTY SIX: BE YOURSELF!

30.7K 931 64
                                    

FORTY SIX: BE YOURSELF!

 

 

 

SUZIE'S POV

 

 

Hindi ako mapakali talaga ngayon. Paano ba naman ang sabi kasi ni Pudge maglalaro lang kami? Tapos isang oras na kaming nagba-byahe at ilang shops na rin ang nalampasan namin eh hindi pa rin kami bumababa. Tapos ngayon tumigil kami sa isang malaking bahay. Ewan ko kung kaninong bahay 'to o kung bahay ba 'to o isa sa mga shops na pinupuntahan nya. "Relax, walang kakain sa'yo dito. Trust me." Sabi nya pagkabukas ng pintuan ng kotse. Kinuha nya ang kamay ko at ngumiti ako sa kanya.

"Kanino ba 'tong bahay? Sobrang laki naman. May computer shop ba sa loob nito?" Tanong ko sa kanya habang iniikot ko ang mata sa kabuuan ng bahay. Ngumiti lang sya at hindi sumagot kaya sinuntok ko sya sa dibdib. "Ano nga kasi?"

"Oo may maliit na room dito na parang shop. Pwede tayo dung maglaro mamaya. Wag kang mainip." Ngumiti sya sa'kin at wow, parang slow motion ang lahat. Yung galaw ng buhok nya, yung ngiti nya na parang dyamanter, ang mga mata nyang nakatitig lang sa'kin. Nakakatunaw ang mga tingin nya at ayoko ng gumalaw.

"Oh my gosh they're here!!" Sigaw ng isang babae at nagulat ako ng lumabas sya. "You must be Medusa!" Sabi ng isang magandang babae. Mahaba ang buhok nya at pareho sila ng mata ni Pudge. Maputi din sya at ang bango. Nagulat na lang ako ng bigla nya akong niyakap. "I'm glad to finally meet you!"

"Ah – he – hello po." Yumakap din ako sa kanya at tiningnan ko si Pudge. "Hindi po Medusa ang pangalan ko – Suzie." Sagot ko sa kanya. Humarap sya sa'kin at ngumiti.

"I knew it! Kasi naman 'tong younger brother ko sobrang tipid magbigay ng details. Medusa kasi yung nakita ko sa phone nya so I thought you're Medusa." Paliwanag nya at nanlaki ang mga mata ko. "Come in! My parents are waiting inside. They are so excited to meet you." Ngumiti sya sa'kin at nagwink sya kay Pudge. "We'll wait inside okay?" Tumango si Pudge at pumasok na ang kapatid nya.

"Pudge! Pudge anong ibig sabihin nito? Bahay nyo 'to?" Umarte ako na parang mahihimatay pero sinambot naman nya ako. "Nahimatay ako. Iuwi mo na ako please."

Tumatawa lang sya. "Sira ka ba? May nahimatay bang nagsasalita pa? Umayos ka nga."

"Ayoko. Wala akong malay. Please iuwi mo na ako please lang." Hindi pa rin ako tumatayo.

"Sige, kapag hindi ka umayos bubuhatin kita papasok ng bahay." Sagot nya kaya naman mabilis akong tumayo.

"Ahhhh!! Ano ka ba naman? Sana man lang sinabihan mo ako para may idea ako!!!" Tumingin ako sa salamin ng sasakyan nya. "See? Hindi man lang ako nagsuklay at basta ko na lang tinali ang buhok ko. Hindi man lang ako nagpulbos. Tapos tingnan mo 'tong suot ko. Snickers, shorts at tshirt! Ahhhh! Grabe naman. Uuwi na ako!" Papalakad ako palabas pero hinigit nya ako.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon