THIRTY THREE: TWO VERSUS TWO VERSUS THEM

43K 1K 129
                                    

THIRTY THREE: TWO VERSUS TWO VERSUS THEM

 

 

SUZIE’S POV

 

“Nasaan ba kasi yun? Tsaka bakit biglaan? Hindi ba may registration yun ilang araw bago magstart?” Kakababa lang namin ng kotse ni Pudge. Sabi nya may gagawin lang daw kami tapos nagbyahe na kami ng mga isang oras. At ngayon nandito kami sa isang malaking computer shop.

“Walang ganun. Ngayon yung tournament at ngayon din ang registration. Relax ka lang dyan.” Sagot nya. Ako naman sinundan ko lang sya. Sobra din kasing madaming tao dito. Lumapit sya sa information kung saan dun din nagpaparegister. “Team for 2v2.” Sabi nya dun sa babae at may iniabot na forms.

“Paki-fill out then pakibalik. Three thousand pesos per person.” At napanganga ako sa sinabi ng babae.

Hinigit ko sya papalayo. “Baliw ka na ba talaga? Wala akong pera para dito! Alam mo kung gusto mong maglaro wag mo na akong idamay!” Nakatingin lang sya sa’kin at iniabot sa’kin ang isang form. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?”

“Narinig. Ako naman ang magbabayad. Alam ko naman kasing wala kang pera. Sige na, magsagot ka na.” Kalmado nyang sagot na parang walang pakialam. Humanap sya ng upuan at nagsimulang magfill out ng form. “Ako na ba ang magsusulat para sa’yo?” tanong nya.

“Wag na, ako na lang.” Umupo rin ako at nagsimulang magsulat habang tumitingin sa paligid. “Bakit mo ba ako sinama dito? Nakakatakot kasi.” Mahina kong tanong sa kanya.

“Wala. Bonding lang natin.” Tipid nyang sagot. “Tapos na ako. Isunod mo na lang yan.”

“Sana naman tinanong mo ako kung gusto kong makipagbonding.” Bulong ko pero parang narinig nya kasi tumigil sya at tumingin sa’kin. “O bakit?”

“Alam ko namang gusto mo kahit di mo sabihin.” Sabi nya sabay ngiti.

Parang ang lakas ng hangin sa loob ng shop kasi parang tinatangay ng hangin ang maganda nyang buhok. “Hoy hindi ko gustong gumastos ng malaki no. Ibigay mo na lang kaya sa’kin yung ibabayad mo.”

“Tss! Korni mo! Akin na nga yan!” Kinuha nya ang form ko at dinala na sa counter.

Nag-intay lang ako sa kanya habang tinitingnan ko ang iba pang nandun. Mukhang bigating event ang nandun. Mga halatang rich kids. Natatakot talaga ako kapag nakakakita ng rich kids.

Hinigit ko sa dulo ng shirt si Pudge. “Sigurado ka ba dito? Pwede naman tayong magbonding sa ibang way.” Tinitigan nya ako. “Ano – like uhm – kumain na lang tapos magarcade. Manood ng movie, basta mga ganun.”

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon