TWENTY: "OUR SWEET REVENGE"

50.6K 1.2K 99
                                    

TWENTY: “OUR SWEET REVENGE"

 

VIENNA'S POV

 

 

Reasons why I should stay away from him

 

1. He is weird.

2. He's sweet.

3. He's caring.

4. He makes my heartbeat fast.

5. He looks at me as if I am the most beautiful girl alive.

 

 

Hmmmm. Tama na kaya 'tong mga reasons na 'to?

“Aha ano 'to?!!" nagulat ako ng agawin ni Amber ang papel na sinusulatan ko. “Girls dali, tingnan nyo 'to. May sinusulat si Vinz."

“Ambz wag kasi. Ibalik mo na yan!" sinubukan kong agawin sa kanya pero nailayo nya agad.

”Parang babasahin lang naman namin. Kaw ha, nagsisikreto ka na!" sabi ni Cherica. Hindi na naman ako nagprotest. Di din naman kasi ako mananalo sa kanila. ”Go Ambz, basahin na natin."

“Okay." she cleared her throat. “Reasons why I should stay away from him. Ahhhhhhh!!!" lahat kami nagulat sa sigaw ni Amber.

Binatukan sya ni Levz. “Title palang makasigaw ka na. Atat ka lang? Akin na nga yan ako na ang babasa!" Kinuha ni Levz ang papel kay Amber habang si Amber ay nakahawak sa batok nyang hinampas ni Levz.

“O bakit di mo na binasa?" tanong ni Cherica.

“Aba nagbabasa na ko. Magbasa na rin kayo ng sa inyo!" Iniabot nya ang papel dun sa dalawa at nag-agawan sila.

”Ahhhhhhhhhhhhhh!!" wow nagduet pa yung dalawa sa pagsigaw.

“OMG Vinz sino yung guy? Tsaka – tsaka bakit parang di naman reasons yan para layuan sya." Ang mata ni Amber ay parang kumukuti-kutitap.

“Oo nga Vinz. Di yan reasons para layuan sya. Di bale sana kung bansot sya, mabaho ang lahat at kasing tama ni Retu, yung aso ko." Grabe talaga 'to si Cherica kahit minsan. Sobra na talaga. -_-

“Girls shut up!" napatingin kami lahat kay Levz na parang kanina pa nag-iisip. ”Alam mo Vinz kung ganyan yang lalaking yan for sure may gusto na yan sayo."

”Ano ba kayo, malabo yun no. Never yun mangyayari." Kinuha ko ang papel sa kanila at inilagay ko sa bag ko.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon