FIFTY: HOME BOUND! SUSPECTS OR NOT?
SUZIE'S POV
"Kinakabahan kasi ako. Paano kung hindi ko na dapat malaman?" magkasama kami ngayon ni Pudge dito sa investigator's office. Ang sabi kasi ng kapatid nya nahanap na daw ng investigators yung parents ko. Yes, investigators. Iba talaga ang nagagawa ng mayaman.
"Just hold my hand. Wag kang kabahan. Ito na yung chance mo para makilala sila." Hinawakan ni Pudge ang kamay ko.
"Thanks." Huminga ako ng malalim.
"Sorry for waiting. Meron pa kasi akong inasikaso." Dumating ang isa sa mga investagors. "I believe you're Ms. Suzie Almira Flores. I'm Mr. Vargas, head of the investigation team." Nakipagkamay naman ako. "Have a seat." Sumunod naman kami. Hinawakan ni Pudge ng mahigpit ang mga kamay ko. Mabuti na lang at nandito sya. "Well, medyo hindi naman mahirap hanapin yung parents mo dahil hindi naman sya nakaprivate. Siguro hindi mo lang talaga sinubukang maghanap dati." May iniabot syang papel sa'kin." Yan ang names ng parents mo."
Napangiti ako at tiningnan ko agad. Iba ang surname nila sa'kin. Siguro dahil sa inampon na ako. "Nasaan na po sila? Nahanap nyo po ba kung saan sila nakatira?" tanong ko.
Hindi agad nakasagot si Mr. Vargas. "We tracked what happened at kung nasaan na sila ngayon but – I am sorry to tell you Ms. Flores but they're already dead." Nabitawan ko ang hawak kong papel. "Food poison ang ikinamatay nila. Natagpuan na lang silang patay sa kanilang bahay habang ikaw lang natirang buhay. Ang kumupkop sa'yo, sila ang nagmabuting loob na tulungan ka."
Umiyak ako at niyakap naman ako ni Pudge. "So – wala na po akong magulang? Dun na lang po nagtatapos ang lahat?"
May iniabot syang isang maliit na papel. "Nahanap namin ang isang kamag-anak ng mommy mo. Yan ang address. Hindi pa namin napupuntahan dahil gusto naming ikaw ang unang pumunta. Yan na lang ang meron tayo. Kung hindi mo pa dyan makikita ang hinahanap mo, I'm sorry." Tiningnan ko ang nakasulat sa papel.
"Ito na lang ang chance na meron ako." Sabi ko kay Pudge. Tumingin ako kay Mr. Vargas. "Thank you so much po sa pagtulong."
"Don't thank me. Cai family helped you, you should thank them." Tumayo sya at nakipagkamay sa'min ni Pudge. "Please to work with your family." Sabi nya kay Pudge tsaka sya lumabas.
"Pleasure pleasure utot mo. Malaki lang bayad sa kanya para sa madaling case. Tss!" Sabi ni Pudge. "Don't worry, pupuntahan natin ang bahay na yan." Hinawakan nya ang mukha ko. "Hindi kita iiwanan, hindi kita pababayaan. Hindi ka magiisa."
"Shut up! Kumakanta ka lang eh!" Niyakap ko sya. "Thank you so much. Pati na rin sa kapatid mo."
BINABASA MO ANG
The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
General FictionTucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl from his school. Is this the end of Tucker Fanton's move or the beginning of a new story that he, himse...