FORTY FOUR: IGN: iLoveYou

39.3K 1K 111
                                    

FORTY FOUR: IGN: iLoveYou

 

 

 

SUZIE’S POV

 

 

“Ano ba kasing meron? Parang wala naman akong alam na tournament ngayon? Bakit kailangan nating lumaban?” Hingit higit ako ngayon ni Pudge papunta sa isang shop kung saan kami madalas naglalaro.

“Meron nga kasing biglaang event. Hindi ka ba nakikinig sa sinabi ko?” Yan ang paulit-ulit na sinasagot ni Pudge sa’kin kanina.

Dumating kami sa shop at pagpasok namin dun eh walang tao. “O akala ko ba may event? Bakit walang tao?”

“Malay ko. Baka nandun sila sa kanya-kanyang cubicle sa loob. Dun sa private room. Para namang first time mong magevent. Hindi ka pa nasanay.” Nagpunta kami sa counter. “Yung tournament – ” tapos bumulong na sya at hindi ko na narinig.

“This way po sir.” Sabi ng nasa counter at dumiretso kami gitna ng shop.

“Thanks.” May iniabot si Pudge sa attendant. Siguro tip yun kasi inassist kami. “Take your seat, ma’am.” Sabi ni Pudge at ipinagusod pa nya ako ng upuan.

“Wow, may sakit lang?” Pagbibiro ko sa kanya. Biglang bumukas ang screen ng computer at lumabas si Medusa tsaka si Pudge. Ang hook na hawak ni Pudge ay napalitan ng roses at iniabot kay Medusa. “Tingnan mo Pudge, ang galing nung screensaver nila. Kaya lang ewwwness. Parang hindi bagay si Medusa at Pudge sa totoong buhay.” Sabi ko sa kanya.

“Tss! Ang slow!” Narinig kong sabi nya bago umupo sa tabihan ko. “Maglaro na tayo.”

“Okay. Bakit ang sungit mo?” Isinuot ko ang headset ko ng biglang may kanta na lang na tumunog.

You should let me love you

Let me be the one to

Give you everything you need

 

 

Inalis ko ang headset ko. “Kuya pakialis naman po nung music dito sa headset para makapaglaro po kami ng ayos. Salamat.” Ngumiti ako at bumalik na sa pagkakaupo. “Aalisin na ni kuya yung music.” Sabi ko kay Pudge pero nakasimangot sya. “Uy, bakit? Wala ka ba sa mood?” Tiningnan nya lang ako. “Suplado.”

Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang mood nya. Bago kami magsimulang maglaro may rules na nagappear. At isa sa mga rules na yun ay ang pagbasa, pagsasabi o pagtatype ng IGN ng kalaban o kakampi sa game. Typing their real names or names not in the game will be automatically disqualified. Grabe, sino namang nagpauso nitong rules na ‘to? Para namang malalaman pa nila. Buti na lang iba ang name namin ni Pudge. Hindi na kami mahihirapan. “Game na – teka bakit ganyan ang IGN mo?” tanong ko sa kanya.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon