SEVENTEEN: WORRIED? WEIRD...

54.4K 1.2K 52
                                    

This Chapter is dedicated to Cheezyxoxo, the winner of last week's twitter party. :)

************************

SEVENTEEN: WORRIED? WEIRD...

 

VIENNA'S POV

 

Umaga na ko nakauwi. Wala namang pasok so okay lang hindi lumabas ng kwarto. Pagkadating ko ng bahay naligo agad ako. Pinapakiramdaman ko sa sarili ko kung may masakit ba sa'kin. Pero normal lang naman lahat. Wala kasi akong tiwala sa sarili ko kung ganun ako kalasing tapos sobrang gwapo at hot ng katabi ko na nakayakap pa sa'kin. So pagkagising ko napraning ako agad na baka ibinigay ko ang sarili ko sa kanya o kaya baka naman kinuha nya at pumayag naman ako. Hindi ko din matandaan ng malinaw kung anong mga pinaggagawa ko. I mean may natatandaan ako pero di ko sigurado kung yun ba talaga yung nangyari o nanaginip lang ako.

Natapos akong magshower at umupo lang ako sa bed yakap-yakap ang unan ko. "Ugh! Vienna anong ginawa mo?" Sabi ko sa sarili ko. Playboy pa mandin yun si duck. Nakakainis!! Sinabi ko pa mandin sa sarili ko na di ako bibigay sa kanya. Di ako tutulad sa mga babaeng patay na patay sa kanya. Napakatanga ko.

Humiga ako at nagpaikot-ikot sa bed. Lunch na din at naririnig kong kumakain na sila Yvonne. Sa ingay ba naman ng bunganga ng nanay nya sa pagsasalita na halatang may laman ang bibig naku. Di talaga ko niyayayang kumain ng mga yun tsaka ayoko din naman silang kasabay. Mawawalan lang ako ng gana. Pati di ako makakakain ng may iniisip. Nakakainis. Tapos si Benioff ginugulo pa ko!!

"Ahhhhhhhhhhhhh!!" sigaw ko habang nakatakip ng unan ang mukha.

"Di ata maganda ang gising mo?" sabi ng isang boses ng lalaki kaya naman napaupo ako.

Nagulat ako ng makita ko kung sinong nakatayo sa pintuan ko. "Duck? I mean Tuck, anong ginagawa mo dito?" bigla akong nahiya. Baka sabihin nya sa'kin kung paano namin pinagsaluhan ang magdamag. No! Ayoko!

"Oh bakit parang namumula ka? Naalala mo ba ang ginawa mo kagabi?" pumasok sya sa loob at isinara nya ang pintuan ko.

"Hoy anong sinasabi mo dyan!! Paano ka ba nakapasok dito sa bahay? Tsaka anong sinabi mong ginawa ko kagabi?" medyo kinakabahan ako sa isasagot nya pero dapat kong malaman.

"Well," tumalon sya paupo sa bed ko, "ang tigas naman ng higaan mo. Kaya pala sarap na sarap ka sa kama ko kagabi." Biglang namula ang mukha ko sa sinabi nya. Parang confirmation nga yun na may nangyari sa'min.

"Alam mo - wala kong intensyong kahit ano kagabi no! Umalis ka nga!! Bakit ka ba nandito?" nahihiya kong tanong para lang maiba ang usapan.

Humiga sya at itinaas pa ang paa sa bed ko. "Kasi may isang babaeng natulog sa bahay na dahan-dahang bumangon at tumakas kaninang umaga. Akala mo kung sinong magnanakaw. Pagkatapos ng ginawa nya sa'kin kagabi aba kung makatakas parang walang naalala." paliwanag nya.

"Eh sa wala naman talaga akong maalala. Isa pa - isa pa hindi ako natakas no. Bakit naman ako tatakas?" Sinipa ko yung paa nya. "Hoy yung paa mo nga ibaba mo. Nakasapatos ka pa. Saan ka ba dumaan papasok dito ha? Siguro umakyat ka ng bakod no?"

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon