FORTY SEVEN: MISS AND MAKE OUT! NOT A GOOD IDEA!

30.4K 923 49
                                    

FORTY SEVEN: MISS AND MAKE OUT! NOT A GOOD IDEA!

 

 

VINCY'S POV

 

 

Weekend at walang magawa bukod sa maglinis ng makalat na bahay. Nakakainis lang kasi wala namang mga bata dito sa bahay pero yung mga kalat daig pa ang mga batang naglaro at nagwala. Ngayon na lang ako natapos kasi wala yung dalawang makalat dito.

Sarap humiga sa kama ko. Sobrang sakit ng likod ko at sobrang pagod na ko. "Vincy!! Vincy where are you?!!" Speaking of the witchy devil! Nandito na sila. Ano na naman kayang iuutos nito? Makapagutos akala mo donya. "Vincy are you here?"

Pumikit ako at nagtulug-tulugan.

"Oh there you are." Sabi nya at naramadaman kong umupo pa sya sa kama ko. "Vincy wake up!!!" Ginigising nya ako. "I've got something for you. Wake up!!!"

"Ano ba yun?" Kunyari bagong gising lang ako. "Bakit ka ba nanggigising at pumapasok sa kwarto ng may kwarto? Pagod ako okay? Kung hindi ka burara eh di sana hindi ako nahihirapang maglinis di ba?"

"Oh about that, don't worry. I already talked to mom and I convinced her to get helpers." Natulala ako sa sinabi nya. Samantalang dati halos ibawas na nila sa baon ko ang bayad sa maids kaya di na sila kumuha basta ako na lang daw ang gagawa.

"Wait! Hindi nyo pwedeng bawasan ang allowance ko!" Napaupo ako sa sobrang pagkainis.

"Relax Vi! Walang bawasan ng allowance na magaganap. In fact, I have a surprise for you!!!" Dami nyang dalang shopping bags. Nagwaldas na naman 'to ng pera ng papa ko samantalang ako bago makabili ng isang medyas pinaghihirapan ko muna. "I bought you clothes!!!" Inilabas nya ang isang dress. "I saw this dress and thought of you. Bagay 'to sa'yo. Sige na isukat mo."

"Wala akong pambayad dito Yvonne! Kahit pera ng papa ko ang pinanggagastos mo, FYI." I reminded her.

Tumingin sya sa'kin. That's my point Vi, kaya dapat lang nai-share ko sa'yo ang mga binibili ko kasi papa mo naman lahat ang nagbabayad." Ngumiti sya. Wow, ngayon nya lang narealize lahat yun? "And oh, binili din kita ng lingerie." Inilabas nya at inihagis sa'kin.

"Yvonne! Para saan naman 'to?!!" Naiilang kong tanong sa kanya.

"Come on Vi! May boyfriend ka na ngayon. Hindi lang basta boyfriend. He's The Tucker Fanton duh! You need to look hot and sexy." She chuckled.

"Okay. So anong kapalit nito? Why are you doing this?" tanong ko sa kanya.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon