TWENTY TWO: "FRIENDSHIP: GOOD OR NOT? "

43.6K 1.1K 76
                                    

TWENTY TWO: “FRIENDSHIP: GOOD OR NOT? "

 

VIENNA'S POV

 

Ang sakit ng katawan ko. Parang di ko na kayang magfull time dancer sa Oquenin at sa labas tapos waitress din. Gusto kong magpahinga maghapon. Kaya lang kapag ako tinanghali lang ng gising iisipin agad ng magaling kong step witch mom na ang tamad-tamad ko. Mabuti na lang talaga mahal ang bayad sa'kin ni Duck, nakakaipon ako ng bongga. Yun nga lang sobrang bonggang pagod din ang abot ko.

“Booo!" may nanggulat at tumulak pa sa likuran ko. Effort sya, pero wala akong energy para magreact. “Ba yan. Sayang ang effort ko." Si Duck pala ang nanggulat kaya pala ang korni. “Hoy Vive bakit ang lamya mo ngayon?"

”Sobra kasing pagod na ako. Pwedeng sa isang araw na lang tayo magpractice ulit. Tapos na naman yung sayaw, okay na yun." Nanghihina kong sabi.

“Ah, kawawa ka naman. Di bale, bukas na lang tayo magpractice. Kain na lang tayo. Tapos gusto mo magpamassage para mawala yang sakit ng katawan mo?" tiningnan ko sya ng masama. “Treat ko naman. Grabe ka makatingin, nakakamatay."

”Ang OA mo rin no? Dadaan muna ko sa mga friends ko dun sa shed sa may gate. Ibabalik ko 'tong hiniram kong notes kay Cherica." Sobrang pagong ko maglakad. Ang sakit kasi talaga ng katawan ko.

“Akin na nga yang bag mo. Mas mabilis pa maglakad yung pagong namin kesa sa'yo. Para kang 90 years old sa lakad mo." pang-aasar nya. Kaya lang wala talaga ako sa mood maglakad.

Nagdiretso kami sa may shed kung nasaan nandun nga yung mga friends ko. “Vincy!!!!!!!" sigaw ni Levz. Nakangiti silang tatlo at sinalubong ako ng yakap.

The Playboy's Curse (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon